Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

People’s bet Nora Aunor ligwak na naman sa Order of Nat’l Artists

MUKHANG matutulad kay Comedy King Dolphy ang kapalaran ng nominasyon sa Order of National Artists ng people’s Superstar na si Nora Aunor.

For the second time, naligwak na naman ang nomi­nasyon ng isang Nora Aunor na paulit-ulit na kinilala ang husay at galing sa pag-arte sa ibang bansa.

Ayon kay National Commission for Culture and the Arts (NCCA) Chairman and National Artist Virgilio Alamario, hindi nila alam kung bakit hindi naaprobahan si Ate Guy. Sa kanila umanong isinumite, tanging si Nora Aunor lamang ang hindi aprobado.

Sa isang akademista, kauna-unawa kung muling maligwak si Ate Guy, kasi nga, wala naman siyang titulo o diploma.

Ganyan talaga ang kanilang pananaw, nakatali sa mga burukratikong alituntunin.

Pero sa hanay ng mga tunay na alagad ng sining, hindi puwedeng balewalain o tawaran ang husay at galing sa sining ng pag-arte at pag-awit na naiambag ni Nora Aunor sa larang na kanyang kinabibilangan.

Kung tutuusin, si Nora Aunor ay may winasak na tradisyon sa kalakaran ng pagpili ng mga pangunahing artista sa pelikula at telebisyon na tanging mga mestiza lamang ang puwedeng maging bida.

Binalewala ng sambayanan ang kanyang height at ang kanyang looks, dahil nilamon ito ng husay niyang umarte.

At huwag rin kalimutan na bago siya umakting ay nanalo siya sa Tawag ng Tanghalan dahil sa kanyang ginintuang boses na kakaiba ang taginting at timbre.

Aminin man sa hindi, tanging sina Vina Morales at Jonah Viray lamang ang may kagayang timbre ni Nora Aunor pero hindi nila nalampasan ang galing sa pag-awit. ‘Yun bang tipong kapag pumailanlang sa ere ang kanyang kanta, alam agad ng tao na boses iyon ni Nora Aunor.

Ilang pelikula na pinagbibidahan ni Nora Aunor ang nagbigay ng karangalan sa ating Filipino sa iba’t ibang bansa? Ilang pelikula niya ang naging instrumento para mailantad sa buong mundo ang kaapihang dinaranas ng mga Filipino sa dayuhan dahil naipalabas ito sa iba’t ibang film festival sa ibang bansa.

Marami nang naisulat tungkol sa kaapihan, pagkaalipin at pagsasamantala sa mga Filipino pero naging kapani-paniwala ito nang maging tampok na artista si Nora gaya ng Minsa’y May Isang Gamugamo na tahasang naglantad ng pang-aabuso ng mga sundalong Amerikano sa Filipino.

Dumating nga ang panahon na hindi lamang si Jose Rizal ang naging batayan ng husay at galing ng mga Filipino sa ibang bansa kundi maging si Nora Aunor. Ang kanyang kulay na kayumanggi ay tinanggap ng buong mundo na kulay ng mahuhusay na tao. Aminin natin na si Nora ay tinanggap na simbolo sa pag-arte ng mga Filipino sa buong mundo.

Ngayon, kailangan bang mag-eternal peace muna si Nora Aunor bago ihanay sa Order of National Artists?!

‘Yun ba ang unang-unang batayan bago ihanay sa mga pambansang alagad ng sining?

Huwag naman sana…

WHAT VILLAR
WANTS
VILLAR GETS!?

DYARAAAN…

And the winner is — Manny Villar’s Streamtech Systems Technologies Inc!

Bravo!

Masyado na talagang lumalaki ang bilib natin kay former lawmaker Manny Villar.

Whatever he wants, he gets.

Kung dati ay nagtitiyaga lang siya sa isang maliit na banko (Capitol Development Bank), ngayon isa na siyang bilyonaryong negosyante.

Mula sa lupa, bahay, condo, mall, coffee shops, at tubig, nag-venture na siya sa telecom­munications company (telco).

Baka sa susunod pati hanging nilalanghap natin ay kopohin na rin nila?!

Tama ba Ms. Avic?

At ang ‘pinakamagandang  bagong balita’ sa kanyang business conglomerate, inaprobahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang kompanya na maging 3rd telco sa bansa para wasakin ang monopolyo ng Globe at Smart telecom.

At hindi lang basta 3rd telco, ayon kay Department of Information and Com­muni­cations Technology (DICT)  Acting Secretary Eliseo Rio Jr., ang kompanya ni Villar ay magiging major player sa telco industry.

Straight from the horse’s mouth ‘yan!

Okey, wala naman tayong reserbasyon diyan. Kung ang kompanya ba ng mga  Villar ang makapagbibigay nang mas mabuting serbisyo sa atin, bakit nga hindi?!

Nitong Martes, nilagdaan ni President Rodrigo Duterte ang Republic Act 11089 na nagbibigay sa Streamtech, ang kompanya ng mga Villar, ng 25-taon prankisa para magtayo, mag-operate at magmantina ng tele­com­munications systems sa buong bansa.

Sabi nga, when it rains, it pours!

Mukhang ganyan ang nangyayari ngayon sa mga Villar sa ilalim ng Duterte administration.

Wish lang natin na hindi matulad ‘yan sa PLDT na kahit putol at palpak na ang serbisyo ay singil nang singil pa rin.

‘Yung ibang telco naman, now you feel, now you don’t… akala yata nila Christmas lights sila na on and off.

Pansamantala, congratulations sa mga boss ninyo, Ms. Avic.

Wish natin na maging excellent ang serbisyo nila sa sambayanang subscribers!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *