Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arjo Atayde Maine Mendoza
Arjo Atayde Maine Mendoza

Maine at Arjo, muling namataan sa isang bar

NITONG Sabado ng madaling araw, namataan sina Arjo Atayde at Maine Mendoza sa Xylo at The Palace Bar na magkasama na walang mga chaperone.

Base sa napanood naming video na ipinost ni @Djdeng sa Twitter, nakatayo si Arjo habang umiindak-indak at si Maine naman ay sumasayaw-sayaw at napatingin pa siya sa kumukuha ng video.

Kaliwa’t kanang positibo at negatibong reaksiyon na naman mula sa netizens o AlDub supporters ang nabasa namin at nadamay pa ang kapatid ni Arjo na si Ria Atayde dahil nag-post sila sa personal account mismo ng aktres.

Kaya naman nag-post si Ria sa Twitter account niya ng, ”If a guy and girl are both single, they should be able to date whoever they want. And a genuine sign of support is if you let them, if you accept it and if you become happy for them even if they don’t go for the person you’re rooting for. Just my two cents.”

Kahit walang binanggit na mga pangalan ang Halik star ay halatang sina Arjo at Maine ang tinutukoy niya.

“I just had to tweet today ‘cause grabe na mga comment on my social media accounts. Grabe sila! They were all commenting mean things on my personal accounts. They’re the ones involving me tapos now they’re saying I’m making pakisawsaw (sawsaw),” katwiran sa amin ng dalaga.

Diretsong tanong namin kay Ria kung boto siya kay Maine para kay Arjo, ”ako naman po tita, I let Arjo be. Basta kung anong gusto niya, support ko,” sagot kaagad ng aktres sa amin.

Nakilala na ba niya si Maine o ipinakilala na ni Arjo sa pamilya Atayde?

“Hindi pa po, but I met Maine at her MAC event where I was invited by my friend who does marketing for MAC,” say ni Ria.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …