Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kris Aquino Bimby Vice Ganda Imee Marcos

Kris, ‘di apektado sa ‘pagsasama’ nina Vice Ganda at Imee Marcos

HINDI apektado si Kris Aquino sa lumabas na litratong magkasama sina Vice Ganda at Ilocos Norte Governor Imee Marcos na bumaba ng eroplano dahil hindi naman parte ang TV host/actor ng entourage.

Ayon sa kuwentong nasagap namin, nagkasabay sina Imee at Vice sa eroplano patungong Ozamiz City na may special appearance ang una at ang huli naman ay may show.

May litratong lumabas na sinalubong sina Imee at Vice ng mga taga- Ozamis City with matching lei kasi nga kilala naman sila pareho.

At dahil dito, maraming nag-tag kay Kris na suportado ni Vice si Imee.

Hindi naman nagpa-apekto si Kris dahil hindi naman niya saklaw kung anong mayroon kay Vice at higit sa lahat, mahal na mahal ng TV host/actor ang mga anak niya kaya care bears siya sa isyu.

Lunes bago maghatinggabi ay nag-post ng video si Kris ng mga litratong magkasama sina Vice at Bimby gayundin si Joshua at Willie Revillame.

Ang caption niya, ”Almost home. I was told I was tagged many times today on purpose, I’ve stayed away from political discourse because if I cannot help bring a better understanding of a given situation, and if I’ll only add noise, BEST FOR ME TO STAY QUIET.

“I’m respectful of a person’s right to choose who they’ll stand with because I was brought up to uphold democracy I saw the pics & personally didn’t feel it was early campaigning. Di n’ya kailangan magsalita ako kasi millions ang followers & defenders n’ya, di ko lang trip na intrigahin pa kami; life’s too short para ma stress.

“BIMB wholeheartedly loves his tito vice @praybeytbenjamin, kuya Josh is a tito Willie (Revillame) loyalist- I’m being #real, we have FREEDOM of choice in our home. Pag minahal ng mga anak ko, mahal ko rin. Good night. #simpletruth.”

Nag-message naman si Vice at pinatutulog na niya ang bff, ”Sleep na. Rest ka na. Hayaan mo na sila!!! Keri ko na to! Hayabayabayu!!!”

Naaliw naman kami sa sagot ni Kris kay Vice, @praybeytbenjamin we miss you. super rich ka na- buy Bimb Gucci. Size 10 na his sneakers. (Si Bimb pang forever ‘yung ibang bibigyan mo ng shoes temporary.)”

Ganyan ang tunay na magkaibigan hindi basta masisira dahil sa politika.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …