Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Quezon City International Pink Film Festival QCIPFF
Quezon City International Pink Film Festival QCIPFF

Pink Filmfest 2018, aaribang muli

AARIBANG muli sa ilang mga sinehan ang Quezon City International Pink Film Festival (QCIPFF) 2018 sa darating na Nobyembre 14-25.

Tumutugon ang filmfest sa ordinansang ibinaba ng Sangguniang Panglungsod ng Quezon na naglalayong protektahan ang mga karapatang pantao ng LGBTQ+ community. Sa mga pelikulang ipapalabas, tinatalakay ang iba’t ibang naratibo hinggil sa lesbians, gays, bisexuals, at transgenders. Hanggang sa ngayon, nangunguna ang Pink Filmfest sa pagsusulong ng mga adbokasiyang kapaki-pakinabang para sa kasapi ng LGBTQ+ community.

Kasabay sa pagdaraos ng film festival ang pag-alala sa ika-79 taong pagkakatatag ng Lungsod Quezon. Ginugunita rin ang ika-100 taon ng pelikulang Filipino.

Ayon sa pamunuan ng Pink Festival, mas pinalaki at pinalawak ang mga pelikulang kalahok sa taong ito. May kabuuang 64 na mga pelikulang mula sa Pilipinas at mga bansang Estados Unidos, Brazil, Indonesia, Tonga, Espanya, Taiwan, Japan, Thailand, Syria, Turkey, at United Kingdom ang ipalalabas.

Tampok sa pinakamatagal nang film festival para sa LGBTQ+ community ang mga pelikulang ukol sa sekswalidad at kalusugan. Magsasagawa rin ng mga seminar na pangungunahan ng mga grupong nagsusulong ng karapatang pantao.

Bubuksan ng dokumentaryong 50 Years of Fabulous ni Jethro Patalinghug ang telon ng filmfest. Tinatalakay nito ang kuwento ng pinaka-unang LGBTQ+ charity organization sa buong mundo, ang Imperial Council ng San Francisco.

Mapapanood sa international lineup ang Liquid Truth mula Brazil;  Boys for Sale ng Japan; Mr. Gay Syria ng Turkey; Leitis in Waiting ng Tonga; at The Driver ng Thailand.

Itinatampok naman sa Philippine lineup ang buhay at mga ambag ni Soxie Topacio, tanyag na direktor at dating pangulo ng Quezon City Pride Council. Ipalalabas sa filmfest ang kaniyang pelikulang Ded na si Lolo.

Kasama rin sa Philippine lineup ang dokumentaryong Call Her ‘Ganda’ ni PJ Raval tungkol sa pinaslang na si Jennifer Laude. Sa kabuuan, 42 mga short film mula sa Pilipinas at sa mga nabanggit na bansa ang mapapanood sa Pink Filmfest.

Mapapanood ang mga pelikulang tampok sa Pink Filmfest sa Gateway Cinema Complex Cubao sa Nobyembre 19-21, University of the Philippines Cine Adarna sa Nobyembre 22-25, at Cinema Centenario sa Nobyembre 22-25.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Kyline, ‘di na mabilang, mga produktong ineendoso; ‘Di nakikipag-kompetensiya sa kapwa artista

Kyline, ‘di na mabilang, mga produktong ineendoso; ‘Di nakikipag-kompetensiya sa kapwa artista

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …