Sunday , December 22 2024

Mga salamisim 14

HINDI magpapatuloy ang bentahan ng metamphetamine hydrochloride o shabu sa kalye kung walang malaking sindikato sa likod nito at hindi naman makatitindig ang sindikato kung walang makapangyarihang pul-politiko o negosyante ang nasa likod nito, iyan ang totoo.
Dahil dito ay naniniwala ang Usaping Bayan na tama si Philippine Drug Enforcement Agency Director General Aaron Aquino sa kanyang naunang pahayag kamakailan na may malalaking tao ang nasa likod ng kalakaran ng droga. Ginawa ni Aquino ang pahayag matapos makalusot sa Bureau of Customs ang milyong halaga ng shabu na ngayon ay nasa merkado na.
Binalewala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pahayag ni Aquino sa kabila ng katotohanan na mura ngayon ang shabu sa kabila ng golpe de gulat ng Pangulo laban sa mga “piyait-piyait” na gumagamit nito.
Walang takot ang sindikato ng droga kahit libo na ang tinetepok ng mga alagad ni Duterte, siguro nga dahil maaring totoo ang usap-usapan… ang sindikato mismo ang nasa likod ng “digmaan laban sa droga.” Ang digmaan pala ay isang paraan ng “consolidation of supply.”
Ingat kayo DG Aquino.
***
May mga opisyal ng pamahalaan na kaya pala nagpapakitang gilas sa kanilang tungkulin ay dahil tatakbo sila sa darating na halalan. Ginamit nila ang poder para isulong ang kanilang ambisyon na maluklok bilang pul-politiko.
Sa totoo lang dapat pagbawalang tumakbo sa halalan ang mga opisyal sa gabinete at matataas na pinuno ng ehekutibong sangay ng pamahalaan upang matiyak ang integridad ng serbisyo publiko.
***
Binabati natin ang mga atletang Pinoy na nagdala ng karangalan sa ating bansa lalo na yaong mga lumahok sa 2018 Asian Para Games. Hindi biro ang karangalan na inihatid nila sa ating bayan. Mabuhay kayo at salamat sa karangalan na inyong hatid.
***
Isa pang binabati natin nang lubos ang pamunuan ng pahayagang HATAW! sa pangunguna ng aking Kompadre na si Jerry, na dahil sa kanilang sipag at tiyaga ay nagawang umabot sa 15 taon ng pamosong babasahin.
Mabuhay ang HATAW! at salamat sa lahat ng sumusuporta sa ating pahayagang bayan.
***
Pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com para sa mga balita sa ating nagbabagang panahon. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines. Salamat po.
Pasyalan n’yo rin ang pahayagang HATAW! sa hatawtabloid.com kung saan lumalabas din ang Usaping Bayan tuwing Miyerkoles at Biyernes. Mabibili rin ang HATAW! sa suki ninyong News stand.

USAPING BAYAN
ni Nelson Forte Flores

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *