Sunday , December 22 2024
Aga Muhlach Trillanes GGV Vice Ganda Bea Alonzo
Aga Muhlach Trillanes GGV Vice Ganda Bea Alonzo

Pag-boykot sa pelikula ni Aga, ‘di umepek

KUNG sabihin nga nila, ”all is water under the bridge.” Sa kabila ng panawagan para i-boycott ang pelikula ni Aga Muhlach ng isang political group, kumita pa rin naman ang kanyang pelikula. Huwag na nating sabihing hindi umepekto ang paninira, dahil sa mga manonood ng pelikula ay nanaig pa rin ang kredibilidad ni Aga bilang isang actor.

Ano ba ang pakialam ng fans sa politika? Isa pa, hindi ba bilang mamamayan ay may karapatan din namang magbigay ng kanyang opinion si Aga? Bakit may monopolyo ba ang mga politiko sa freedom of expression na nasa konstitusyon naman ng Pilipinas? Bakit noong mahigit na dalawang taong iginigisa ni Senador Trillanes si dating VP Jejomar Binay, at ngayong dalawang taon na ring binabanatan ang presidente, walang pumigil sa kanya? Ngayon bang may lumabas na ibang opinion magagalit sila?

Wala namang masamang sinabi si Aga. Ang sinabi lang ni Aga, magkaisa na muna tayo para sa bayan. Lahat ay nagsasabing may krisis. Hindi ba dapat naman na kung may krisis magkaisa talaga ang lahat para mas madaling makakita ng solusyon? Kung gagamitin ang isang krisis para sa pansariling interest iyan ang masama. Bakit may monopolyo na rin ba sa pamumuno sa bansa?

Hindi ba iyan din naman ang ipinakikita ni Aga? May panahon sumama siya sa mga dilaw, eh tapos na iyon at nakikiisa siya sa opinion na dapat bawasan na muna ang pamumolitika at magtulong-tulong para makabawi ang bayan, hindi ba tama iyon?

Hindi rin namin alam kung anong lugaw ang nakain ng mga taong iyan, o mga naka-shabu ba kaya ganyan ang klase ng pangangatuwiran. Mabuti walang nakinig sa kanila. Iyong fans nanood pa rin ng pelikula ni Aga. Ano ba ang pakialam nila kung ano man ang kulay ng politika ng mga tao, basta nasiyahan sila sa panonood nila ng pelikula, manonood sila. Iyan namang nananawagan ng boycott sa pelikula ni Aga, talaga namang hindi nanonood ng sine ang mga iyan. Nagra-rally lang ang mga iyan, hindi iyan nanonood ng sine.

HATAWAN
ni Ed de Leon


Lea Salonga, malaking star pa rin

Lea Salonga, malaking star pa rin

About Ed de Leon

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *