Monday , December 23 2024

Cover-up sa P6.8-B shabu: Lapeña dapat mag-resign!

SUKOL na si Bureau of Customs (BoC) Commissioner Isidro Lapeña kaya’t kung sino-sino na ang kanyang idinadawit sa P6.8-B shabu shipment na ayon sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay ipinalaman sa ilang magnetic lifters na natunton sa Cavite.
Sa kanyang pahayag kamakailan, sabi ni Lapeña:
“Perhaps director general Aaron Aquino should not pin down and blame entirely this problem to the Bureau of Customs. Let me emphasize again the importance of timely intelligence sharing from the PDEA. I would like to remind him that the magnetic lifters where the illegal drugs were hidden and consigned to Vecaba Trading were intercepted at the Manila port because of shared information.”
Ang problema, tugma ang report ng PDEA sa mga pahayag ni Customs Collector Ma. Lourdes Mangaoang, senior Customs official na tumestigo sa imbestigasyon ng Senado kaugnay ng P6.8-B shabu shipment, na nagsabing sangkot sa cover-up ng smuggling si Lapeña.
Ipinagtaka ni Mangaoang kung bakit hindi nagpalabas ng alert order si Lapeña gayong naipaalam na sa kanya ang impormasyon tungkol sa mga paparating na kontrabando noong Mayo.
Kasama sa magkakahiwalay na shipment ng kontrabando mula sa apat na bansa ang dalawa sa magnetic lifters na naglalaman ng P3.4-B shabu na dumating sa bansa noong Hunyo at matapos abandonahin ay binuksan ng Customs noong Aug. 7 sa Manila International Container Terminal (MICT).
Noong Hulyo naman dumating ang apat na magnetic lifters na natagpuan ng PDEA noong Aug. 8 pero wala na ang P6.8-B shabu sa isang warehouse sa GMA, Cavite.
Halatang nagpapalusot si Lapeña dahil ayon kay Mangaoang, base sa sulat ni Customs Deputy Commissioner Ricardo Quinto kay Lapeña tungkol sa isinasagawang intelligence operation ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula pa noong Mayo at magkasamang nakaabang sa importasyon ng illegal drugs na magmumula sa Malaysia, Vietnam, Hong Kong at China.
Kaya’t hindi totoo ang unang pahayag ni Lapeña na wala siyang natatanggap na impormasyon mula sa PDEA tungkol sa shipment ng magnetic lifters na sadyang pinalusot ng Customs.
Binalewala ni Lapeña si Mangaoang na maaga pa ay sinabihan na siyang paimbestigahan ang kanyang mga tauhan, base na rin sa mga iprenesintang larawan ng magnetic lifters habang dumaraan sa X-ray machines.
Tama si Mangaoang, bakit nga naman PDEA ang sisisihin sa intelligence, gayong may mga sariling intel ang Customs na daang milyon ang pondo, aniya:
“He has a deputy commissioner for intelligence, a Customs intelligence and investigation service director, a division chief for intelligence, 300 intelligence agents, a Customs anti-illegal drugs task force. Why didn’t he activate them? Why rely on PDEA when it is the BOC which has access to information of importations.”
Sa simula pa lang ay kaduda-duda na ang pagtanggi ni Lapeña na nanindigang wala raw shabu ang mga magnetic lifters na nadatnan ng PDEA sa Cavite.
Hindi rin kapani-paniwala at katawa-tawa ang palusot na pumalpaltos ang K-9 dogs sa pag-amoy ng kontrabando.
Tell it to the Marines, Gen. Lapeña!
Ang agarang pagbibitiw ni Lapeña ang importante kaysa pinanghahawakan niyang tiwala sa kanya ni Pang. Rodrigo Digong” Duterte.
Sa madaling sabi, Lapeña resign!

ETHEL BOOBA MAS MARUNONG
KAYSA SANDIGANBAYAN
MARAMI ang nauntog sa mga tweet ng aktres at komedyanteng si Ethel Booba sa social media tungkol sa kandidatong mga may kinakaharap na kaso at pinapayagang makatakbo.
Dinaig ni Ethel ang maraming nagmamarunong, kahit ang inaakala natin ay mga pantas sa judiciary.
Naging mitsa na pinagdebatehan ang kuwelang punto ni Ethel sa kandidatura ni dating senador Ramon “Bong” Revilla, Jr., at ng iba pang nililitis sa kasong plunder ng Sandiganbayan kaugnay ng PDAF scam.
Mas kapani-paniwala si Ethel kaysa mga mahistrado ng Sandiganbayan na nagsabing maaari pa raw tumakbo ang mga nahatulan hangga’t walang pinal na desisyon ang Korte Suprema.
Kung ‘yan ang paniwala ng Sandiganbayan at ng judiciary, bakit ikinukulong ang mga nahatulan sa mababang hukuman na wala pang pinal na desisyon sa Supreme Court?
At kung naipatutupad ang parusang kulong, mas lalong dapat ipatupad ang accessory penalty na disqualification from holding any public office sa nahatulan habang hindi nababaligtad ng Korte Suprema ang hatol na guilty.
Hindi pa rin ba presumed guilty ang nahatulan sa mababang hukuman habang hindi pa nababaligtad ang hatol sa kanya?

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *