Sunday , November 3 2024

‘Rambol’ ng pamilya sa politika

KAKATWA ang political happenings ngayon sa Parañaque City.

‘Yung muling paghahain ni dating mayor Florencio “Jun” Bernabe ng kandidatura para alkalde para tapatan si incumbent mayor Edwin Olivarez, walang kakaiba roon.

Normal na ngayon ‘yun sa takbo ng politika sa ating bansa.

‘Yung pami-pamilyang tumatakbo sa iisang lugar gaya ng mag-asawang Alan Peter Cayetano at Lani Cayetano na kapwa tumatakbong kongresista sa Distrito I at Distrito 2 ng Taguig, bagong eksperimento ‘yan.

Mantakin ninyong mag-asawang mag­kaiba ng address?!

‘Yung magkapatid na Binay na nagla­laban sa mayoralty race sa Makati City, killing the opponents ‘yan.

‘Yun bang hindi pa nag-uumpisa ang laban, tinagpas na sa leeg ang kalaban.

Kung mahina lang din ang lalaban, tiyak na hindi na siya kakasa, kasi ang mangyayari magiging tagapanood lang siya ng laban ng mag-utol.

‘Yung mag-utol na Calixto na nag-swap ng puwesto sa pagtakbo, walang bago roon…

Pero rito sa ipinakitang example ng mag-amang Joey at Jeremy Marquez, ay nagulat at natawa talaga ang inyong lingkod.

Mantakin ninyo, si Jeremy ay tumatakbo bilang vice mayor ng dating alkalde na si Jun Bernabe.

Pero, anyare?!

Bakit ang erpat na si Joey ay nasa kampo ni Mayor Edwin Olivarez?

Mukhang mas politics is thicker than blood kay Tsong Joey, hindi blood is thicker than water?!

Ang ‘stepson’ ni Tsong Joey na si Vandolph, tumakbo rin bilang konsehal sa tiket ni Olivarez.

Pero siyempre , mas nakagugulat na ‘yung anak ang nasa kabilang kampo.

Ano kaya ang kakaibang offer ng Olivarez camp kay Tsong Joey at pumayag siya sa ganyang set-up habang ang kanyang anak ay nasa Bernabe camp?!

Hindi pala totoo sa kanila ang kasabi­hang like father, like son?!

Kaabang-abang ang mga susunod na pangyayari sa Parañaque!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *