Monday , December 23 2024

“Bureau of Customs and Shabu”

NANININDIGAN umano si Commissioner Isidro Lapeña na walang shabu na nakapalaman sa mga magnetic lifters na natagpuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Cavite na nailusot sa Bureau of Customs (BoC).
Ang magnetic lifters na nasabat sa Cavite ay pinaniniwalaang naglalaman nang mahigit isang tonelada ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 bilyon, ayon sa PDEA.
Pinaniniwalaan din na ang mga natagpuang magnetic lifters sa Cavite at ang shabu shipment na nasabat sa Manila International Container Port (MICP) noong August 7 ay magkasama.
Sa madaling sabi, ang nasabat na kontrabando sa MICP na mas kaunti kaysa magnetic lifters na nadatnan ng PDEA sa Cavite ay ginamit lang na lansi kaya’t inabandona.
Sukol si Lapeña sa testimonya ni Collector Ma. Lourdes Mangaoang na tumestigo sa Senado, batay sa mga larawang kuha sa X-ray machines ng magnetic lifters na pinalusot sa Customs.
Kaya’t maliwanag ngayon kung sino ang nasa likod ng demolition job laban kay Mangaong para siraan sa media, at ipasalang siya sa lifestyle check ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).
‘Buti na lang, pumalag ang PACC na magamit sa maitim na binabalak na panggigipit kay Mangaoang dahil sa ginawang pagtestigo sa imbestigasyon ng Senado sa naglahong P6.8-B shabu shipment sa Cavite.
Agad nagpalabas ang tanggapan ni PACC Commissioner Manuelito Luna ng panig sa malisyosong reklamo laban kay Mangaoang, sabi sa pahayag:
“Just to clarify, BoC Collector V, Atty. Maria Lourdes Mangaoang, is not yet being subjected to a lifestyle check by PACC.
The unverified letter of a certain complainant will still undergo the usual processing and validation procedure.
As of now, the Commission has not taken cognizance of said unverified complaint.
Besides, Mangaoang is PACC’s resource person in the p6.8-billion alleged shabu smuggling at the BoC and, hence, we should be more cautious in accepting complaints meant to discredit her.
Even the Senate Blue Ribbon Committee tapped her as a witness.”
Sa panayam sa kanya kahapon sa radyo, wala sa hulog ang paliwanag ng shabugado, ‘este, abogado at spokesman ni Lapeña na si Erastus Sandino Austria na hindi tugma sa sentido-kumon at mga sirkumstansiya ng imbestigasyon.
Palusot ni Austria, hindi raw accurate ang K-9 sa pag-detect ng ilegal na droga at kontrabando, kesyo napapagod daw ang mga aso.
Ibig sabihin ba ni Austria at ng among si Lapeña, kinakalyo ba ang ilong ng aso ‘pag napapagod at nawawalan ng pang-amoy?
Kung napapanood lang sana ng mag-among sina Austria at Lapeña sa mga episode ng ‘Border Wars’ sa National Geographic Channel ay tiyak na mahihiya sila na gamiting palusot na napapagod at hindi accurate ang aso sa pag-amoy ng droga.
Ilan sa simpleng katanungan na hindi nasasagot ng Customs tungkol sa mahiwagang shipment na dapat ipaliwanag, gaya ng sumusunod:
Una, bakit kailangang butasin at abandonahin ng mga nasa likod ng shipment ang mga magnetic lifters na natagpuan sa Cavite kung wala silang kinuha na nakapalaman sa loob?
Ikalawa, bakit kailangan manindigan si Lapeña na walang shabu imbes suportahan ang imbestigasyon ng PDEA na arukin ang katotohanan?
At ikatlo, mahahadlanagan ba ang paglabas ng katotohanan na gustong pagtakpan sa panggigipit kay Mangaoang?
Naturingan pa naman na retiradong heneral si Lapeña pero baluktot naman mangatuwiran.
Sa susunod, ipa-drug test muna ng “Bureau of Customs and Shabu” ang gagamitin nilang “askal” na maghahain ng reklamo sa PACC.

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *