Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
customs BOC

Lifestyle check vs BOC official itinanggi ng PACC

HINDI isinasailalim sa lifestyle check si Bureau of Customs (BoC) Collector V, Atty. Maria Lourdes Mangaoang.

Ito ang paglilinaw na ginawa ni Presidential Anti-Corruption Com­mission (PACC) Com­mis­sioner Manuelito Luna.

Aniya, “Just to clarify, BoC Collector V, Atty. Maria Lourdes Mangaoang, is not yet being subjected to a lifestyle check by PACC.”

Sinabi ng Commissioner, bilang bahagi ng proseso, ang hindi pa beripikadong reklamo ay daraan din sa validation procedure.

Sa kasalukuyan uma­no ay wala silang nata­tanggap na kopya ng nasabing reklamo.

Ani Luna, si Ma­ngao­ang ay resource person ng PACC sa hinihinalang P6.8-bilyong shabu smug­gling sa BoC kaya dapat umanong maging maingat sila sa pag­tanggap ng reklamo laban sa kanya.

Maaari umanong nag­lalayon itong sirain ang kanyang kredebilidad.

Matatandaan na ma­ging ang Senate Blue Ribbon Committee ay si Mangaoang ang piniling witness.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …