Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jed Madela
jed

Higher Than High will be a show stopper — Jed Madela

DREAM come true para kay Jed Madela ang isang malaking concert sa Araneta Coliseum. Kaya naman ganoon na lamang ang pasalamat niya sa producer ng kanyang Higher Than High: the 15th Anniversary Concert sa November 16, Biyernes, 8:00 p.m.

At mula sa titulong Higher Than High, i-expect na natin ang mga birit, matataas na kanta. “But aside from that, we want to bring the audience to a different kind of high sa performances ko na nai-prepare namin for every performances, segment na gagawin namin.

“Talagang magiging show stopper talaga. One segment, one production number ang plano namin and sobra akong excited at ninenerbiyos at the same time. Because it will demand so much of myself, ang endurance ko from the entire show, it’s a two hour show. I have to prepare myself dahil ang expectation ng tao medyo mataas dahil din sa title nito but very confident na we have a really great and good show.

“Ang line up namin is already finalize and excited na po akong mag-perform para sa lahat ng manonood sa gabing iyon,” mahabang paliwanag ni Jed.

Ani Jed, ang manager niya ang nakaisip ng titulo ng concert. “Naisip niya ito base sa inaasahan ng audience sa akin kapag ako’y magpe-perform—ang pag-awit ng big songs. Power belting, kumbaga. Pero higit sa pag-awit ng ganyan, ang goal ko talaga para sa concert na ito ay dalhin ang audience sa next level, ‘yung tipong may goosebumps bawat number.”

Napag-alaman naming sa pagpasok pa lang ng 2018 ay pinaghandaan na ni Jed at ng kanyang team ang pagbuo ng show para tiyaking magiging maganda ang Higher than High: the 15th Anniversary Concert.

Ibinahagi rin ni Jed na handog niya ang pinaka-inaabangang show sa mga sumuporta sa kanya simula ng kanyang pagpasok sa industriya—mula sa paglabas niya ng unang album, ang I’ll Be Around, hanggang sa kanyang pagsali sa 2005 World Championships of Performing Arts, at ngayon sa kanyang estado bilang magaling na OPM artist.

Ang konsiyerto ay ididirehe ni Marvin Caldito at makakasama niya ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra—sa pamumuno ni Maestro Gerard Salonga—at ang Philippine Madrigal Singers.

At sa 15 taon ni Jed sa industriya, ang hindi pa niya nagagawa o nais pang gawin ay ang mag-teatro.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


Andi, aarte pa rin, ‘di pa iiwan ang pag-aartista
Andi, aarte pa rin, ‘di pa iiwan ang pag-aartista
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …