MAY nakikitang ‘eksperimento’ ang ilang urot sa estilo ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong midterm elections.
Hindi tayo sigurado kung ito’y estratehiya o ‘spin’ o baka naman hindi sinasadya.
Ang tinutukoy natin, ang kandidatura nina Gen. Bato, Mocha Uson, Harry Roque at SAP Bong Go.
Sina Gen. Bato at SAP Bong Go ay hindi tinatalikuran ni Pangulong Digong at lantarang ini-endoso habang sina Mocha at Harry ay mantsado ngayon at hindi natin natin naririnig na iniendoso ng Palasyo.
Sa totoo lang, bago sila magbitiw sa kanilang puwesto ay nagkaroon pa ng mga isyung hindi naging paborable sa imahen ni ‘Tatay Digong.’
Ano ang nasisilip nating eksperimento rito?!
Eksperimento o subok, kung ang endorsement ba ni Pangulong Digong ay hahantong sa panalo ‘kiss of death’ sa kandidato.
Sa bahagi nina Mocha at Harry, medyo umatras sila sa ambisyong makatuntong sa Senado kaya Kamara ang tinatarget nila sa eleksiyon. Gaya ng mungkahi natin sa ating kolum, tumatakbo sila ngayon sa ilalim ng party-list na Kasosyo at Luntian.
Sabi nga natin, mayroon limang milyong followers sa kanyang social media account si Mocha.
Ang kailangan lang niyang gawin ay i-convert ‘yan sa boto at baka maka-tatlong seat pa sila sa Kongreso.
Pitong buwan pa mula ngayon, bago ang midterm elections sa Mayo 2019. Ibig sabihin, mayroon pang pitong buwan ang mga kandidato para mambola ‘este mangampanya at tiyakin ang kanilang panalo.
Hindi kailangang mainip ng Palasyo, malamang sa Pebrero titining din ang kanilang eksperimento.
At ang resulta nito’y magagamit nila sa eleksiyon sa 2022.
Abangan natin kung ang endoso ng Pangulo ay ‘kiss of death’ or ‘winning grace.’
SOLID DILAWAN
BINIGYAN NI SOJ
NG MAGANDANG
PUWESTO
SA IMMIGRATION!?
GAANO kaya katotoo ang ating nasagap na nakatakdang mahaluan ng kulay ‘dilaw’ ang dating ‘mapulang’ atmosphere sa opisinang iiwan ni OIC Deputy Commissioner and POD Chief Marc Red Mariñas sa Bureau of Immigration?
OMG!
Tila sumablay raw yata sa kanyang ‘napusuan’ ang itinuturing na ama ng kagawaran na si DOJ Secretary Menardo Guevarra.
Ewan lang natin kung may knowledge ba si SOJ Guevarra na solid ‘dilawan’ ang kanyang “bet” at kahit binakbakan nang husto ay itinuloy pa rin ang ‘pintig’ ng kanyang puso?
Wattafak!?
Alam rin kaya ni SOJ na may mga nakabinbing kaso sa Ombudsman ang “bet” niyang BI official?
Iisa lang ang magiging reaksiyon ng mga senador ‘pag nalaman nila na solid ‘dilawan’ at Leila de Lima follower ‘yan.
Ano!?
“Wala na bang iba sa bureau!?”
Ngayon pa lang ay maraming BI rank & file employees ang disappointed sa nangyari at hindi malayo na maghasik na naman nang ‘kakaibang atmosphere’ ang tinaguriang “MHP” as in most hated person sa BI!
For sure abot-batok ang ngiti ngayon ng kanyang amigas con dyulalays na notorious fixers na sina alias Bitchy Chuwawa at Anako-sey!
Posible rin na mag-return of the comeback ang ‘tanging-inang’ sa ahensiya at dalhan ng ‘diaper at bib’ ang kanyang ‘hijo.’
Considering na kinukuwestiyon na nga ng Senado ang sandamakmak na pagdami ng mga Tsekwa ngayon sa Filipinas…
Huwag na rin tayo magtaka kung biglang maging instant Noy-pi ang mga ‘yan!
Thanks to Special Visa E.O. 226 as amended by R.A. 8756 na ini-apply ng nasabing opisyal sa sandamakmak na intsik para manatili sa ating bansa!
Ang tanong legit ba talaga sila?!
Susmaryosep!
Kung sinasabing nasa tatlong milyones na nga ang nakapasok na mga Tsekwa sa bansa, hindi malayo na maging permanente na nga sila!
Uulitin lang po natin ang tanong SOJ Guevarra, bakit isang certified dilawan ang napili niyong i-promote?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap