Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

NAIA screener umatras laban kay Cong. Bertiz?

NANGANGAMBA umano sa buhay niya at sa buhay ng kanyang pamilya, umatras na ang Airport screener na biktima ng pambu-bully ni ACTS-OFW party-list Representative Aniceto Bertiz lll nitong September 29, 2018 sa domestic terminal 2.

Sa huling ulat, sinabing hindi na maghahain ng reklamo sa Pasay City Prosecutors Office at sa House of Congress laban kay Bertiz ang airport screener dahil nga natatakot umano siya.

Ayon kay Office of Transportation Security (OTS) head executive assistant General Napoleon Cuaton,  dating chief of PNP-Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), umatras si airport screener Hamilton Abdul, 27 anyos.

Kahapon umano ng umaga ay nagpunta si Abdul sa OTS office kasama ang kanyang ama, at sinabing hindi na siya maghahain ng reklamo sa takot na balikan siya.

Ayon kay Cuaton, bagong kasal si Abdul at mayroong kambal na anak kaya gusto niyang maging tahimik ang kanyang buhay.

“It’s up to them, mahirap pilitin, kasi siya ang involved, but I told them the OTS is here whenever you need our help you can count on us and we will support any of our employees who are doing their jobs in accordance with the law in securing the airport from passengers who might bring terror,” ani Cuaton.

Ayon mismo kay Cuaton, si Bertiz ay maaaring sampahan ng kasong paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code.

Aba, ibang klase rin naman. Kung hindi rin naman kayang panindigan ang reklamo e bakit umabot sa malaking isyu ang insidente ng pambu-bully sa kanya sa airport?!

At kung hindi magrereklamo ang taong nasasangkot, hindi na rin ba kikibo ang Airport officials partikular ang MIAA at OTS?!

Sonabagan!

E kahit sino palang opisyal ng pamahalaan, puwedeng i-bully ang mga taga-Airport?!

Ang isyu rito, may isang elected official na nagpakita nang labis na pang-aabuso sa isang empleyado ng gobyerno.

Si Cong Bertiz, nag-sorry sa sarili niyang pamamaraan at naospital, inabsuwelto na?!

Tsk tsk tsk…

Pero kung ordinaryong tao ang nasangkot sa ganyang insidente, tiyak na kalaboso agad at tiyak may kaso pa hanggang gayon.

Talaga bang ganito na sa ating bansa? Isang mambabatas ang numero unong lumalabag sa umiiral na batas?!

Tama ba ‘yan sa mata ng ating mga kaba­taan?!

P150-M VISA RAKET
SA BI SM AURA!?
(ATTENTION:
SOJ MENARDO
GUEVARRA)

KAMAKAILAN lang ay may lumabas na artikulo sa isang dyaryo (hindi po sa ating kolum) na inaakusahan ang Bureau of Immigration tungkol sa P150-M halaga ng visa raket.

Batay sa alegasyon, partikular na itinuturo ang BI-field office sa SM Aura.

Medyo nakalulungkot ang alegasyon, con­sidering na mainit ang lagay ng kasalukuyang pamahalaan dahil sa sunod-sunod na issues tungkol sa ilang ahensiya ng gobyerno pag­katapos ay nadagdag pa ang isyung ito sa BI.

Sana, habang maaga ay maapula ng mga bossing sa Bureau ang apoy na kumakalat tungkol sa balitang ito.

Bagama’t may naririnig din tayo tungkol sa palusutan ng mga dispalinghadong papel ng mga foreigner sa BI SM-Aura ay hindi naman tayo makapag-komento agad dahil sa kaku­langan ng ebidensiya.

Napuna lang natin na medyo mabigat ang imbudo ‘este daloy ng visa applications doon samantala nariyan naman ang iba pang BI field offices na puwedeng doon gawin ang proseso para maiwasan ang nag-o-overflow na tran­saksyon.

Masyado naman “toxic” para sa hepe ng BI-SM Aura field office kung lahat nga naman ng papel ay sa kanila idaraan.

Nariyan naman kung tutuusin ang BI field offices ng PEZA at Makati pero what made SM Aura field office so special para doon lahat ang imbudo ‘este proseso ng mga papeles??

May quota ba silang hinahabol?

O sadyang special lang sa puso ng mga bossing sa BI ang nasabing lugar?

Sabi nga ng matatanda, ang anomang sobra o labis ay masama at kung minsan pa nga ay nakamamatay?!

Lalo na kung ikaw ay bundat na?!

Araykupu!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *