Thursday , December 26 2024

Maging aral sana

DAPAT mag-ingat tayo sa bawat sasabihin dahil kapag nakapagbitiw ng maaanghang na salita na nakababastos sa ating kapwa ay hindi na ito mababawi kahit na ano pang paghingi ng paumanhin ang ating gawin.
Ito ang dapat tandaan ng bawat isa lalo ng mga lingkod-bayan o opisyal ng gobyerno na patuloy na nakikisalamuha sa iba’t ibang uri ng tao sa pang-araw-araw nilang gawain.
Bunga ng matinding tensiyon dahil sa mga kontrobersiya na patuloy na bumubuntot sa kanya sanhi ng panlalait na kanyang ginawa sa isang empleyado ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ay naospital ang deputy minority leader na si ACTS-OFW Representative Aniceto Bertiz III. Nakaranas daw ng pananakit ng dibdib, hypertension at dati nang may diprensiya sa puso ayon na rin sa kanyang mga kabaro sa Kongreso.
Nakuhaan kasi ang mambabatas kamakailan ng video habang minamaliit, kinakastigo at kinokompiska ang identification card ng isang airport security checker na humiling na alisin ng kongresista ang suot na sapatos habang dumaraan sa metal detector ng NAIA.
Ilang araw bago ma-confine ay paulit-ulit na nagso-sorry si Bertiz sa kanyang nagawa. Ang puna naman ng iba ay baka umiiwas lang daw ang mambabatas sa imbestigasyon na isasagawa ng mga kapwa niya kongresista dahil naospital isang araw bago siyasatin ng House ethics and privileges committee ang kontrobersiya na kinasangkutan niya sa NAIA.
Binatikos din si Bertiz lalo ng mga miyembro ng women’s rights group at pati ng ilang kapwa mambabatas dahil sa kanyang pahayag na sumiklab ang kanyang galit dahil sa kanyang “monthly period” o buwanang dalaw. Para na rin niyang sinabi na ang mga kababaihang may buwanang dalaw ay moody at wala sa katuwiran.
Bukod dito ay nagalit din ang mga netizen sa video na nagpapakita kay Bertiz na sinasabihan ang mga agricultural at biosystems engineer na hindi raw nila makukuha ang kanilang professional license kung hindi nila kilala si Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go.
Isa pang video ang lumutang na makikita si Bertiz na nakikipagsigawan sa isang migrant worker sa Hong Kong. Nakaligtaan kaya ni Bertiz na isa siyang mambabatas na kinatawan ng mga OFW o overseas Filipino worker sa Kongreso? Hindi na ba siya nahiya sa mga OFW?
Sa mga kontrobersiya na kinasasangkutan ni Bertiz ay wala siyang dapat sisihin kundi ang sarili. Laging tandaan na kahit mga opisyal ng gobyerno o kongresista ay dapat manatiling mapagkumbaba at sumusunod sa mga alituntunin upang makapagpakita ng magandang halimbawa sa mga mamamayan.
Magsilbing aral sana ito sa ibang opisyal ng gobyerno.
***
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View

FIRING LINE
ni Robert Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *