Monday , December 23 2024
Pingkian LOGO Ruben Manahan III copy
Pingkian LOGO Ruben Manahan III

Sikmura ng Pinoy, numero unong problema

TULAD ng inaasahan, kinompirma kamakailan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang patuloy na pag-akyat ng inflation rate sa Filipinas. Pumalo na ito sa 6.7 porsiyento nitong Setyembre kompara sa 6.4 porsiyento noong Agosto. Ang hindi natin inaasahan, unti-unti nang naiintindihan ng mga Filipino ang ibig sabihin ng inflation. Hindi na ito banyagang salita na pinag-uusapan lamang ng mga ekonomista. Bahagi na ito ng usapan sa mga kalyehon at palengke.
Alam na kasi ng mga Pinoy ang epekto ng inflation sa kanilang buhay. Patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, patuloy ang pagkalam ng kanilang sikmura. Habang tumataas ang inflation, tumataas din ang bilang ng pamilyang nagugutom. Hindi na naniniwala ang mga Pinoy sa paliwanag ng economic managers na nakabubuti sa bansa ang pagtaas ng inflation rate.
Hindi ito nangangahulugan na masigla ang ekonomiya. Bagkus, pagkalam ng sikmura ng mahihirap ang dalang epekto nito. Kaya naman ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin ang itinuturing ng mga Pinoy na pinakamalaking problema ng bansa sa ngayon.
Batay sa survey ng Pulse Asia sa unang linggo ng Setyembre, mayorya o 63 porsiyento ng mga Pinoy ang naniniwala na ang inflation ang pangunahing isyu na kailangang pagtuunan ng pansin ni Pangulong Duterte.
Ayon sa survey, hindi lamang sa Metro Manila nararamdaman ang dagok ng pagtaas ng presyo ng bilihin kundi sa lahat ng bahagi ng bansa. Hindi lamang mahihirap (Class D at E) ang dumaraing. Maging yaong tinatawag na middle class (Class B at C) at kahit mayayaman (Class A) ay umaaray din sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Paano ba namang hindi mararamdaman ang inflation, e, ang presyo ng bigas ang unang tinamaan nito. Kahit saang palengke ka magpunta, reklamo ng mamimili ang presyo ng bigas.
Para kasi sa mahihirap, ‘di baleng magdildil sa asin basta’t may masarap na kanin. Bukod sa bigas, reklamo rin ang mataas na presyo ng gulay at iba pang pagkain. Halos 10 porsiyento (9.7%) kasi ang itinaas ng presyo ng mga pagkain pati na ang tinatawag na non-alcoholic beverages o inumin na hindi nakakalasing. Dito pa naman napupunta ang bulto ng gastusin ng isang pamilya. Labas sa pagkain, ramdam din ng mayorya ang patuloy ang pagtaas ng presyo sa iba pang bilihin sa araw-araw. Kabilang dito ang inuming nakalalasing at tabako (21.8%), damit at sapatos (2.5%), mga gamit sa bahay (3.6%), kalusugan (4.1%), transportasyon (8%), komunikasyon (0,5%), at pagliliwaliw o Recreation and Culture (3%). Kung 6.7 porsiyento ang inflation sa buong bansa, maituturing na mas matindi ang pinapasan ng mga kapatid natin na nasa labas ng Metro Manila dahil 6.8 porsiyento ang pangkalahatang inflation rate na dinaranas nila.
Sa mga rehiyon, ang Bicol ang may pinakamataas na inflation rate (10.1%) at pinakamababa naman ang Central Luzon (4.5%). Bukod sa inflation, lumabas pa rin sa Pulse Asia survey na karamihan ng mga solusyon na hinahanap ng mga Pinoy sa kanilang problema ay may kaugnayan sa pagkalam ng sikmura. Kabilang dito ang pagtaas ng sahod (50%), pagbawas ng kahirapan (32%), at paglikha ng mas maraming trabaho (30%).
Kahit wala namang mga survey, alam natin kung ano ang pangunahing problema ng mga Pinoy ngayon. Walang natutuwa sa pagtaas ng presyo. Marami ang naghahanap ng trabaho na may disenteng sahod. Kailangan ng mga pamilya na may makain tatlong beses sa isang araw. Malinaw na mali ang direksiyong tinatahak ng economic managers ni Pangulong Duterte. Nararamdaman natin ang epekto ng mga mali nilang desisyon. Kung hindi nila nakikita ang problema, makabubuting magbitiw na sila sa puwesto.

PINGKIAN
ni Ruben Manahan III

About Ruben III Manahan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *