DALAWANG beses nasopla nitong nakaraang linggo si Secretary Harry Roque.
Una nang panindigan niya na hindi nagpunta sa doktor o ospital si Pangulong Rodrigo Duterte pero pagkaraan ay umamin ang mismong Pangulo na galing nga siya sa ospital dahil kailangan siyang isalang sa endoscopy.
Ikalawa, nang tahasang sabihin ng Pangulo na ‘walang kapana-panalo’ si Roque sa Senado dahil ayaw sa kanya ng mga sundalo.
Aba, daig pa ang sinampal sa mukha ni Secretary Roque, pero sabi nga niya, ‘yung sinabi umano ng Pangulo, “typical Duterte” daw ‘yun — ganoon daw ang karinyo brutal ng Pangulo.
Sabi ng Pangulo, “Ayan sila si Roque, gusto mag-senador. Sabi ko, ‘Tama ka na. T*** i** diyan. Standby ka. Bigyan kita ibang trabaho. Hindi ka manalo diyan.’ ‘Bakit?’ ‘A ‘yung mga sundalo ayaw sa iyo.’”
Sinabi mismo ‘yan ng Pangulo sa Philippine Military Academy alumni sa Malacañang.
Pero ayon kay Roque, gusto raw muna niyang magpahinga at pag-iisipan ang alok ng Pangulo dahil ang sinasabing posisyon ay wala pa.
Kaya sabi ni Secretary Harry, “While there was no categorical agreement on what to do, I did say I will consider it and I wanted the weekend to think it over.”
Kasabay nito, inupakan niya ang Senate race sa bansa na tila isang popular contest, ‘yung “old and familiar names” ang laging nananalo sa eleksiyon.
Sinabi rin niya na mukhang hindi na nababagay sa kanya ang maging Presidential spokesperson matapos ang insidente na tila siya ay ‘naiwan sa dilim’ nag hindi sinabi sa kanya ang tunay na kalagayan ng kalusugan ng Pangulo.
Lumabas nga naman tuloy na nagsinungaling siya sa tunay na kalagayan ng Pangulo.
“In my decision on whether not to run, to accept whatever the Office of the President may have, I will consider the fact that in this capacity as spokesperson, I must know everything about the president,” pahayag ni Roque.
“I do concede that his going to the diagnostic exam was something I did not know and therefore, I’m inclined to believe that perhaps I’m not in a position to continue with this current function.”
Ang sakit!
Ramdam natin ang pahayag ni Secretary Roque.
Pinakamahirap talagang matsubibo. At dahil si Roque ay isang taong marunong manindigan, mukhang hindi na rin niya kayang magbalik bilang spokesperson ng Pangulo dahil nagmukha nga siyang sinungaling.
Tsk tsk tsk…
What’s next?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap