Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Klinton Start
Klinton Start

Klinton Start, thankful sa pagkakasali sa Bee Happy, Go Lucky

SOBRANG thankful si Klinton Start dahil bahagi siya ng mga kabataang social media personality na tampok sa bagong TV show sa Net25 na Bee Happy, Go Lucky. Ito ay isang variety show na mula sa Social Media Artist and Celebrities (SMAC) Television Production.

Ang Bee Happy, Go Lucky ay nag­simula nang mapa­nood last Sunday evening at bahagi rin ng show sina Kikay Mikay, Rayantha Leigh, Isaiah Tiglao, Ron Mclean, VMiguel Gonzales, JB Paguio, Leslie Angela at Rish Ramos.

Ipinahayag ni Klinton ang na-feel niya nang napasali sa nasabing show.

“Masaya po and thankful kasi isa po ako sa mga nabigyan ng privilege para mai-showcase ‘yung talent at iba ko pa pong abilities sa show na Bee Happy Go Lucky,” esplika niya.

Saad ni Klinton, “Isa po itong exciting na challenge para sa akin lalo na po, this is my first time to work in a show na ipapalabas po sa TV.”

Idinagdag ni Klinton na excited siya sa kanilang TV show. “Yes, excited po ako at lalong excited po ang mga taong sumusuporta sa akin,” naka­ngiting sambit ng binatilyong astig sa dance floor.

Paano ang ginawa niyang preparations para sa kanilang show? Tugon ni Klinton, “Every week po may rehearsal kami at sa rehearsal namin, doon po ako nagpa-practice either dancing, singing, or hosting in pre­paration for the taping ng Bee Happy Go Lucky show po.”

Bukod sa Bee Happy, Go Lucky, napapanood din every Sunday ang dalawa  pang TV show ng SMAC, ito ang The Prodigal Prince (7:00-7:30 pm) na isang fictional teleserye na mala-Koreanovela pero may touch ng pagka-Pinoy at Galing Ng Pinoy (7:30-8:00pm.) na isang reality game show na­man.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …