Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sabrina M, muling kumakatok sa showbiz

SIKAT na sexy star o bida sa titillating films noong 90’s si Sabrina M. Humataw din siya noon sa pag-usbong ng seksing pelikula kaya ang buong akala namin sa kanyang pagkawala at paghina ng sexy films ay nakapag-ipon at tahimik at masaya ang pamilya niya.

Hanggang sa 2 years ago ay nahuli siya at nakulong dahil sa paggamit ng droga at nitong nakaraang buwan ay nakalaya na siya.

Ayon kay Sabrina M., sa kanyang paglaya ay aayusin na niya ang kanyang buhay kasama ang kanyang mga anak at iba pang mahal sa buhay.

Isang madilim na kahapon ang kanyang napagdaanan at ayaw niya na  itong balikan pa.

Isang kaibigan si Sabrina M para sa amin dahil isa rin siya sa mga inalagaan naming sexy stars noon. Kaya kami na po mismo ang kumakatok sa showbizlandia na bigyan po natin siya ng ikalawang pagkakataon at naway pagbuksan natin siyang muli ng ating mga pintuan.

Ganoon po talaga ang buhay. Walang perpektong taong isinilang o isisilang palang sa mundong ito. Ang mahalaga, natuto si Sabrina M. sa kanyang pinagdaanan sa buhay at ngayo’y pinatatag na ng panahon upang muling harapin ang buhay, just like me.

REALITY BITES
ni Dominic Rea

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …