Friday , November 15 2024
road traffic accident

Parking attendant patay sa sagasa ng senglot na bokal

PATAY ang isang park­ing attendant makaraang masagasaan ng rumara­gasang kotse na mina­maneho ng isang bokal sa lalawigan ng Isabela, kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Sa ulat ni C/Insp. Manolo Refugia, hepe ng Quezon City Police District –Traffic Enforce­ment Sector 4,  hindi umabot nang buhay sa Capitol Medical Center ang biktimang si Celso Calacat, 50, residente sa Block 7, Gumaok Central, San Jose Del Monte, Bulacan.

Habang agad sumu­ko sa mga awtoridad si Ed Christopher Go, 29, board member sa Isabela, at residente sa 46 Berlin St., Brgy. Matandang Balara, Quezon City.

Siya ay nahaharap sa kasong reckless impru­dence resulting in homi­cide at paglabag sa Section 53 ng RA 4136 o Driving under the in­fluence of liquor.

Ayon kay PO3 Joel Aviso, dakong 12:30 am nang mangyari ang insidente sa harap ng East West Bank sa kanto ng Tomas Morato Ave. at Scout Fuentebella, Brgy. Sacred Heart sa nabanggit na lungsod.

Ayon sa saksing si Kristian Salvador, nag­papaatras ng sasakyan ang biktima nang tum­bukin siya ng BMW na may plakang 27773, na minamaneho ni Go.

Sa lakas ng impact, tumilapon nang tatlong metro si Calacat dahilan ng pinsala sa kanyang ulo at katawan. Agad dinala sa Capitol Medical Center ang biktima ngunit hindi umabot nang buhay.

Habang nagpositibo sa isinagawang alcoholic test si Go.

Samantala, pasado 10:00 am, itinakbo ng ambulansiya sa Cardinal Hospital sa San Juan City ang bokal bunsod nang pagsuka ng dugo dahil sa pagka-untog ng dibdib at ulo sa loob ng sasakyan nang maganap ang insi­dente. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *