Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sean Manganti Adamson University Soaring Falcons
Sean Manganti Adamson University Soaring Falcons

Manganti armas ng Adamson U

MALINIS pa rin ang kar­ta ng Adamson Uni­versity Soaring Falcons, nasa ibabaw pa rin sila ng team standings kapit ang 5-0 karta.

Tumayog ang lipad ng Falcons nang kalusin nila ang National Uni­versity, 63-58.

Sa mga panalo ng Adamson U may isang player ang naging pa­ngunahing instrument, ito’y si Sean Manganti na naging bayani sa 69-68 panalo kontra University of the Philippines nak­araan.

Muntik mamantsahan ang baraha ng Falcons subalit sinalba sila ng third-year forward Ma­nganti matapos isal­pak ang game-winning floater may 0.7 segundo na lang sa orasan laban sa Fighting Maroons.

“It was just a scramble at that point. I was taught to never quit until you hear the buzzer, so I just kept going until we heard the buzzer,” wika ni Ma­ngan­ti.

Makalipas ang tatlong araw, muling kumi­ nang si Ma­nganti kontra NU Bulldogs, nagtala ng 14 points, apat na assists at tatlong rebounds.

Dahil sa ipi­naki­tang performance ni Filipino-American high-flyer Manganti, hinirang siyang CHOOKS-TO-GO/UAAP Press Corps Player of the Week. (ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …

NST-IAC BBM Pato Gregorio

National Sports Tourism Committee naglatag ng masigasig na estratehiya para sa paglago ng ekonomiya

MABILIS na umuusbong ang sports tourism bilang pinaka-dinamikong tagapaghatak ng pandaigdigang sports economy, at determinado …