ARESTADO sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Batasan Police Station 6, ang lalaking hinihinalang pumatay sa kanyang 9-anyos stepdaughter sa Brgy. Payatas, Quezon City, kahapon umaga.
Sa ulat ni Supt. Joel Villanueva, hepe ng Batasan PS 6, dinakip si Mark Christian Cayetano, 24, construction worker at residente sa 23 Luzon St., Brgy. Payatas B sa nasabing lungsod, makaraang iturong pumatay kay Michaella Bernardino, 9 anyos, Grade 4 pupil, at residente sa 78 Visayas St., Phase 4, Lupang Pangako, Brgy. Payatas B.
Ayon kay Villanueva, dakong 9:30 am kamakalawa nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa tambak ng mga basura sa isang bakanteng lote sa Phase 3, Block 7, Lupang Pangako, Payatas B.
Iihi sana sa lugar ang 12-anyos na si Jasmin Saguno, residente ng naturang lugar, nang mapuna na may bahagi ng katawan ng tao, na tinabunan ng mga bato sa lugar
Dinakip si Cayetano makaraan ituro ng isang testigo na siya ang nakitang huling kasama ng biktima bago matagpuang patay.
Mahigpit na itinanggi ni Cayetano ang akusasyon.
(ALMAR DANGUILAN)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …