KAGAYA ng matataas na opisyal ng mga nakaraang admi-nistrasyon, ang ospital ay kanilang naging kanlungan sa panahon ng kagipitan sa politika.
Kahapon, ang kontrobersiyal na ACTS-OFW party-list Rep. ay tumakbo rin sa ospital dahil sa pananakit ng dibdib. Ayon kay House Minority Leader at Quezon Rep. Danilo Suarez, si Bertiz ay na-confine sa St. Luke’s Medical Center.
Hindi umano nakakatulog si Bertiz nang ilang gabi pagkatapos ng sunod-sunod na blunder.
Ayon kay COOP NATCCO party-list Rep. Anthony Bravo ang pananakit ng dibdib ni Bertiz ay maaaring may kinalaman sa angioplasty na ginawa sa mambabatas noon pang 2016 para makaiwas sa heart attack.
Ayon kay House senior Deputy Minority Leader Lito Atienza tumaas ang blood pressure ni Bertiz mula nang kontrobersiya sa airport.
“What is definite, Congressman Bertiz is suffering from hypertension and high blood pressure, talagang tumaas ang presyon [ng dugo],” ani Atienza.
Si Bertiz ay nabalot sa kontrobersiya mula nang inangasan niya ang isang security officer na sumita sa kanya nang hindi niya tinanggal ang kanyang sapatos sa security check area.
Nag-viral sa social media ang video ng nasabing insidente.
(GERRY BALDO)