Friday , November 15 2024

Signos kay SAP Bong Go si ACTS OFW Rep. Bertiz

MASAMANG senyales sa nilulutong pagtakbo ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go bilang senador sa 2019 midterm elections ang kaibigan niyang si ACTS OFW party-list Rep. John Bertiz III na pinagpipiyestahan kahit saan ang ginawang pagwawala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kamakailan.
Buo na ang kuwento sa pangyayari at tapos na rin mapanood ng Department of Transportation (DOTr) at Manila International Airport Authority (MIAA) officials ang video na saksi sa pangyayari noong Linggo (Sept. 30) sa NAIA Terminal 2.
Dahil hindi nagsisinungaling ang ebidensiya, kita sa kuha ng CCTV ang paglabag ni Bertiz na sundin ang ipinatutupad na tuntunin at pagtangging hubarin ang kanyang sapatos.
Suspetsa ng iba, baka raw natakot si Bertiz na sumabog ang masamang amoy kung naghubad siya ng sapatos at mapagkamalan pa siyang terorista, kaya nagwala para ‘di mahalata, hehehe!
Pero ayon sa mga opisyal, wala sa kuha ng video ang kuwento ni Bertiz tungkol sa ilang Chinese nationals na ayon sa kanya ay escorted at pinalagpas ng security personnel na sumita sa kanya.
Suma-tutal, barumbado na nga ay sinungaling pa si Bertiz para baligtarin ang pobreng security personnel na nagpapatupad lang ng batas.
Dahil sa patuloy na pag-iimbento ng palusot sa itinanghal na pagyayabang sa NAIA, nagkapatong-patong tuloy ang isyu laban kay Bertiz.
Nang masukol si Bertiz ay napilitan siyang humingi ng paumanhin pero lalong nadiin sa sinabi, aniya:
“For the past 3 years that I’ve been a member of Congress, once a year na medyo nadadapuan po tayo ng monthly period…. ‘Di ko na rin po maiaalis na tao lang po, na marupok at umiinit ang ulo. Naii-stress din sa trabaho.”
Humakot pa ng maraming kaaway si Bertiz sa paggamit ng salitang “monthly period” na naghahatid ng masamang kahulugan sa pag-uugali ng mga kababaihan kapag dinaratnan.
Lumilitaw nga naman na gustong itulad ni Bertiz na ang kanyang masamang inasal na kawalanghiyaan sa NAIA ay siyang inuugali ng mga kababaihan sa tuwing nireregla.
Para kay Gabriela Women’s Party Representative Emmi de Jesus, hindi katanggap-tanggap na ikompara ni Bertiz ang kanyang masamang pag-uugali sa kababaihang nireregla, anang mambabatas:
“Kaming mga babae ay walang problema sa regla. Ang isyu ay arogansya niya. Huwag niyang idamay ang kababaihan kasi siya ang may problema.”
Kumulo rin ang dugo ng ilang kababaihan mula sa entertainment at showbiz industry na kumokondena at naasar kay Bertiz.
Isang linggo lang ang nakararaan, si Bertiz ang isinugo ni senatorial wannabe Bong Go para kumatawan sa kanya sa isang okasyon ng mga engineers.
Pero imbes na suporta para kay Go ay nagtaboy pa ng botante si Bertiz na minaliit ang dinaanang hirap ng mga enhinyerong umeksamin sa Professional Regulations Commission (PRC) para magkalisensiya.
Nagkataong hindi kilala ng mga enhinyero kung sino ang Bong Go na sinasambit ni Bertiz sa nasabing okasyon kaya pabiro niyang tinakot na hindi ibibigay ang kanilang lisensiya.
Naglalabasan na rin ang ibang lihim ni Bertiz at tinawag na palsipikadong OFW.
Ayon sa United Filipinos for Hong Kong (UNIFIL-MIGRANTE-HK) si Bertiz ay nagmamay-ari ng isa sa pinakamalaking licensed recruitment agency sa bansa.
Samakatuwid, ab initio (from the start) ay niloloko ni Bertiz ang pamahalaan sa pagpapanggap na kumakatawan sa OFW pero siya ay negosyanteng recruiter pala.
‘Yan ang mas mabigat na kasalanan ni Bertiz na ang katumbas ay estafa sa mga OFW at mamamayan na nagpapasuweldo sa kanya.
Gaano kaya karami ang Bertiz na signos o masamang senyales na umuuto kay Go na ayon sa Pulse Asia survey ay puwedeng manalo kapag ginawang 100 ang senador?
Kaya naniniwala akong hindi na kailangan pang siraan si Go sa politika dahil ang pagsira sa kanya ay ginagawa na ng mga sumisipsip sa kanya.

 

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *