PARANG hinipang lobo ang bilis ng pagtaas ng presyo ng gasoline sa kasalukuyan.
Halos hindi na makakibo ang sambayanan sa chain reactions na dulot ng trending na trending na pagsirit ng presyo ng gasolina.
Magpa-Pasko pa naman pero mukhang hindi mararamdaman ng mga bata ang sayang dulot nito dahil magkakasunod na nagtataasan ang mga bilihin.
Nagtatrabaho pa ba ang Department of Energy (DOE) at Philippine National Oil Company (PNOC)?
Hindi po maramdaman ng sambayanan.
Alam kaya ninyong marami tayong mga kababayan ang nananahimik na lang at tila hindi na kayang magreklamo pa, dahil napapagod lang sila?!
Kasi kahit ilang beses silang magreklamo at kahit paulit-ulit sabihin na, “Parang awa na ninyo, hindi na namin alam kung paano namin pagdudugsungin sa susunod na suweldo ang panggastos namin!” e walang epekto.
O namanhid na lang talaga ang mga kababayan nating walang-wala nang magawa kundi pagkasyahin na lang ang kakarampot na kita?!
Titigil pa kaya ang pagtaas ng presyo ng gasolina? O muli pa itong sisirit hanggang Disyembre?
Mukhang ang Disyembre ngayo’y hindi lang, Paskong tuyo, kundi Paskong walang-wala?!
Arayku!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap