Thursday , December 26 2024
Jose Abad Santos Mother and Child Hospital

7-month old baby na nangangailangan ng first aid itinaboy ng Jose Abad Santos Mother & Child Hospital

KAILAN pa hindi naging emergency case kapag nagtatae at sumusuka ang isang baby o isang tao?!

Itinatanong natin ito dahil sa masamang karanasan ng isang pamilya sa Jose Abad Santos Mother and Child Hospital diyan sa Binondo, Maynila.

Isang 7-month old baby ang itinakbo ng kanyang mga magulang sa nasabing ospital dahil nagtatae at nagsusuka.

Disoras ng gabi (11:00 pm) nang itakbo nila sa ospital ang baby dahil maputla na at hindi na halos gumagalaw, kumbaga nag-uumpisa nang ma-dehydrate ang bata.

Pero pagdating nila sa Mother & Child Hospital, isang nagpakilalang empleyado ang nakita nila kaya nakiusap sila na i-admit ang baby.

Pero tinanggihan sila ng nasabing empleyado at sinabing hindi raw emergency ang kaso ng sanggol na nagtatae at nagsusuka kaya pinauuwi sila at pinababalik na lang kinabukasan at pinagdadala ng sample ng stool (dumi) ng bata.

Nakiusap ang magulang na doon na sila mag-stay at hihintayin na lang nila ang pagdumi ng baby.

Sabi umano ng ‘kamoteng empleyado’ daw ng ospital, “Umuwi na kayo at hindi kayo maaasikaso rito, gamot lang ang kailangan niyan.”

Ang sabi ng magulang, “Puwede bang resetahan kami ng gamot para maging okey ang bata?”

Sagot ng Kamote, “Walang magte-check-up sa bata busy lahat ng doktor, umuwi na kayo at bumalik na lang bukas.”

Kaysa ubusin ang  kanilang energy sa pakikipagtalo sa isang kamote, minabuti ng mga magulang na umalis na lang at dinala sa Dr. Jose Fabella  Memorial Hospital.

Mabuti na lamang at sa Fabella dinala ng mga magulang ang baby dahil pagdating doon, agad silang inasikaso.

Agad ini-admit ang baby at nilapatan ng lunas. Sa loob ng 10 oras, na-stabilize ang kondisyon ng baby at naiuwi na rin ng mga magulang.

Ibig sabihin, nasagip ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa dehydration ang baby, na maaaring ikapinsala ng kanyang utak o ikamatay kung hindi nahabol ng mga staff at doktor sa nasabing ospital.

Sa ngayon ay nagre-recover ang baby at umaasa ang mga magulang na tuluyan nang gagaling ang kanilang anak.

Sa pamunuan ng Mother & Child Hospital, napakaganda ng pangalan na ibinigay sa inyo pero mukhang hindi nai-internalize ng mga staff ninyo.

Mantakin ninyo, 7-month old baby na nanganganib ma-dehydrate ipinagtabuyan ng staff  ninyo?!

Mungkahi lang po, maaari bang pakihanap ninyo ang kamoteng ‘yan dahil maraming sanggol, bata at iba pang tao ang nanganganib ang buhay dahil sa mga ganyang klase ng hospital staff.

Pakisudsod lang po at baka marami nang nabibiktima ang walanghiyang ‘yan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *