Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

7-month old baby na nangangailangan ng first aid itinaboy ng Jose Abad Santos Mother & Child Hospital

KAILAN pa hindi naging emergency case kapag nagtatae at sumusuka ang isang baby o isang tao?!

Itinatanong natin ito dahil sa masamang karanasan ng isang pamilya sa Jose Abad Santos Mother and Child Hospital diyan sa Binondo, Maynila.

Isang 7-month old baby ang itinakbo ng kanyang mga magulang sa nasabing ospital dahil nagtatae at nagsusuka.

Disoras ng gabi (11:00 pm) nang itakbo nila sa ospital ang baby dahil maputla na at hindi na halos gumagalaw, kumbaga nag-uumpisa nang ma-dehydrate ang bata.

Pero pagdating nila sa Mother & Child Hospital, isang nagpakilalang empleyado ang nakita nila kaya nakiusap sila na i-admit ang baby.

Pero tinanggihan sila ng nasabing empleyado at sinabing hindi raw emergency ang kaso ng sanggol na nagtatae at nagsusuka kaya pinauuwi sila at pinababalik na lang kinabukasan at pinagdadala ng sample ng stool (dumi) ng bata.

Nakiusap ang magulang na doon na sila mag-stay at hihintayin na lang nila ang pagdumi ng baby.

Sabi umano ng ‘kamoteng empleyado’ daw ng ospital, “Umuwi na kayo at hindi kayo maaasikaso rito, gamot lang ang kailangan niyan.”

Ang sabi ng magulang, “Puwede bang resetahan kami ng gamot para maging okey ang bata?”

Sagot ng Kamote, “Walang magte-check-up sa bata busy lahat ng doktor, umuwi na kayo at bumalik na lang bukas.”

Kaysa ubusin ang  kanilang energy sa pakikipagtalo sa isang kamote, minabuti ng mga magulang na umalis na lang at dinala sa Dr. Jose Fabella  Memorial Hospital.

Mabuti na lamang at sa Fabella dinala ng mga magulang ang baby dahil pagdating doon, agad silang inasikaso.

Agad ini-admit ang baby at nilapatan ng lunas. Sa loob ng 10 oras, na-stabilize ang kondisyon ng baby at naiuwi na rin ng mga magulang.

Ibig sabihin, nasagip ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa dehydration ang baby, na maaaring ikapinsala ng kanyang utak o ikamatay kung hindi nahabol ng mga staff at doktor sa nasabing ospital.

Sa ngayon ay nagre-recover ang baby at umaasa ang mga magulang na tuluyan nang gagaling ang kanilang anak.

Sa pamunuan ng Mother & Child Hospital, napakaganda ng pangalan na ibinigay sa inyo pero mukhang hindi nai-internalize ng mga staff ninyo.

Mantakin ninyo, 7-month old baby na nanganganib ma-dehydrate ipinagtabuyan ng staff  ninyo?!

Mungkahi lang po, maaari bang pakihanap ninyo ang kamoteng ‘yan dahil maraming sanggol, bata at iba pang tao ang nanganganib ang buhay dahil sa mga ganyang klase ng hospital staff.

Pakisudsod lang po at baka marami nang nabibiktima ang walanghiyang ‘yan!

MADAM CHIQUI ROA
NARANASAN MO BANG
MAG-INTERVIEW SA CR?

IBANG klase rin nman gumawa ng guidelines si Antipolo Rep. Chiqui Roa Puno para raw sa mga mamamahayag na nagko-cover sa House of Representatives.

Ang kapansin-pansin ‘yung pagbabawal na mag-interview sa comfort room at sa elevator.

Ito namang si Madam Chiqui parang hindi naman naging miyembro ng media. Naiintindihan ba niya ang sinasabi niya?!

Siyempre, talagang hindi puwedeng mag­lunsad ng formal na interview o press conference sa toilet o a elevator…

Pero nalimutan yata ni Madam Chiqui, sa mga ganitong lugar nakakukuha ng scoop ang isang reporter.

Sabi nga, in most unexpected time and places, sumisingaw ang mga “Lihim ng Guadalupe.”

Bukod sa dalawang lugar na ‘yan, mayroon pang ibang no-coverage areas sa guidelines ni Ms. Chiqui.

Kabilang diyan ang mga offices of the Speaker, majority leader, tanggapan ng iba pang House leaders, members, officials and employees; hallways and corridors connecting offices and committee meeting rooms; entrances and foyer area; session hall and its lobby; main building front and rear entrances.

Hak hak hak!

Hello! Bakit hindi pa ninyo sabihin na ayaw na ninyong magpapasok ng media sa Batasan Complex?!

Sa dalawang area lang daw puwedeng mag-interview ang mga mamamahayag, ang isa ay sa session hall sa main building at sa south wing annex; at ang isa pa ay gawi ng Mitra (north wing) building at sa malapit sa Andaya Hall sa main building.

Mukhang gusto ngang manahin ni Madam Chiqui ang proposal ng dating House leadership sa ilalim ni speaker Pantaleon Alvarez. Ang restriksiyon na ito sa media coverage ay kauna-unahan sa panahon na wala nang Martial Law sa bansa.

Hindi lang ‘yan, noong panahon ni Alvarez ay tinangka umanong tanggalan ng akre­ditasyon ang mga mamamahayag na kritikal sa Kamara, sa mga lider nito,  members and secretariat officers and personnel.

Anyway, ang borador ng guidelines na ito ay sinusuri pa umano sa ilalim ng committee on public information, na pinamumunuan ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone, dating newspaper reporter.

Ayon kay Evardone,  “Actually, I wanted to consult with you because I, for one, have some reservations and questions on the draft guidelines because I understand that you can’t…because we look for news, we will find a way to get the news. Don’t worry. As far as I’m concerned, we won’t release these until everyone agrees.”

Sa totoo lang, nakatatawa at parang ‘stupid’ lang ang guidelines na ito.

Bilang dating taga-media, naniniwala ang inyong lingkod, hindi dapat nalilimutan ni Madam Chiqui ang mga prinsipyong gumagabay sa Fourth Estate — ang press freedom.

Kung walang press freedom, inutil ang fourth estate.

‘Yun lang po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *