Tuesday , November 5 2024
The Lost Sheep
The Lost Sheep

Ced Torrecarion, na-challenge sa musical play na The Lost Sheep

AMINADO si Ced Torrecarion na pinaka-challenging na project niya ang musical play na The Lost Sheep na gumaganap siya bilang si Jesus Christ.

Ang The Lost Sheep na mula sa Manila Act One Produc­tions ay isang musical play na nagtatampok sa mga miracle at parable ni Jesus Christ bilang medium to refute arguments now afflicting Christians about the existence of God. Dito’y makikita ang isang modern day atheist soldier na humarap kay Jesus ukol sa existence at love ng Diyos. Pinagmulan ito ng isang argumento. Kasama si Jesus at mga desipulo, pasisinungalingan nila ang paniniwala ng atheist sa pamamagitan ng parables at mirales na naging daan para ma-convert ang atheist.

Ipinakita ito sa pamama­gitan ng dance numbers, isang multi-level stage, na mayroong special lights at other effects na naka­dagdag sa magandang musical presentation. Pawang mga orihinal na music, costume, props, at different treatments ng bawat parable at miracles ang ginawa para mas maunawaan ito ng mga manonood.

Saad ni Ced, “Ang challenge riyan is being Jesus Christ, kasi, we don’t really know who is Jesus Christ. How, how you portray Jesus Christ? Siguro iyan ang pinakamahirap na role, kahit ano’ng ibigay sa iyong role, iyan ang pinakamahirap, si Jesus Christ. Honestly, ang dami rin mga trial while doing this, pero we’re still doing it because it’s for the Lord, nga e. Oo, blessing ito na magampanan ko si Jesus, kahit mahirap, kahit marami kaming pinagdaraanan… medyo nata-challenge iyong grupo, pero buo pa rin kami.”

Paano niya ide-describe ang kanilang musical play na The Lost Sheep?  ”The Lost Sheep is not the typical Jesus Christ story… we try to combine what’s currently happening in our lives… the show will truly strengthen your faith if you have and those who haven’t found our Lord will truly be touched by the story.”

Ano ang preparation niya sa kanyang papel dito? ”Number 1, I prepare myself spiritually… to portray Jesus Christ is a role that is not easy… physically and mentally and I also prepare, especially with the songs. We also start and end our rehearsals with a prayer as sometimes we are tested. I’m just honored and humbled to be doing this. I offer this to my family especially to my Mom in heaven,” wika pa ni Ced.

Mapapanood ito sa 27 Oktubre 2018, 4:00 p.m. at 7:00 p.m. sa Star Theater, CCP Complex. Kasama rin sa cast sina Lovely Rivero na gaganap bilang Mary, Pastor Reuben Aslor, ang atheist, at Jeffrey Santos, si Peter. Ang kikitain ng play ay para sa Gawad Kalinga. Ang tiket ay nagkakahalaga ng P800, P500, P300, at P200 para sa matinee show; at P1,200, P750, at P350 sa evening show. Para sa ibang kata­nu­ngan, tumawag sa 8796984; 09176203029; 099853655

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio


Sanya at Derrick, palaban sa daring love scenes sa Wild and Free
Sanya at Derrick, palaban sa daring love scenes sa Wild and Free

About Nonie Nicasio

Check Also

Bea Alonzo Lyle Menendez

Bea tinuligsa sa Halloween costume, post dinilete agad

MA at PAni Rommel Placente KONTROBERSIYAL na naman ngayon si Bea Alonzo. Ito’y matapos siyang mag-post …

Vice Ganda

Vice Ganda sa pagpasok sa politika — never mangangampanya at gagastos

MA at PAni Rommel Placente SA panayam kay Vice Ganda ng dating manager na si Ogie Diaz para sa …

Andre Yllana

Andre na-shock kotseng lumubog sa baha ‘di na naayos

RATED Rni Rommel Gonzales SARIWA pa sa isip ng marami ang pinsalang dulot ng super …

Coco Martin Kim Rodriguez

Kim Rodriguez ‘di malilimutan pag-aalaga  ni Coco

MATABILni John Fontanilla HINDI makalilimutan ni Kim Rodriguez ang mga sandaling naging parte siya ng FPJ Batang Quiapo. …

Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International nangako ng magandang kinabukasan sa kabataan

Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International nangako ng magandang kinabukasan sa kabataan

PINAGTIBAY ng Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International Pilipinas ang pakikipagtulungan para paigtingin ang mga hakbangin tungo sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *