MUKHANG mainit ang labanan ng mga taga-showbiz at mga politiko sa darating na eleksiyon sa Parañaque City…
Alam po ba ninyo kung bakit?
Aba e mainit na pinag-uusapan sa Parañaque na mukhang sasabak umano ang very hot at idol nang maraming si Papa Piolo Pascual laban kay Rep. Eric Olivarez ng District 1 ng Parañaque City.
Habang ang paboritong leading man ng bayan na si Mr. Boyet de Leon ay sasabak daw naman sa District II ng Parañaque kontra kasalukuyang kinatawan na si Cong. Gus Tambunting.
Aba, kung totoo ‘yang nasagap natin sa grapevine ng mga Parañaqueño, malakihan ang labanang ito.
Pero sabi nga, may tibay pang maaasahan ang mga mambabatas na sina Cong. Eric at Cong. Gus dahil may tig-isa pa silang termino.
Sa isang banda, baka naman sa dami ng fans nina Papa P., at Kuya Boyet ‘e makasilat sila ng panalo!?
Sus mio!
Kung sa karanasan, masasabi nating may track record na si Kuya Boyet dahil naging bokal (Board Member) na siya sa lalawigan ng Batangas.
Si Papa P?
Mukhang bagong salta pa lang siya sa mundo ng politika.
Pero hindi naman mukhang tolonges si Papa P. Kung saka-sakali mang palarin, alam nating mabilis naman niyang maaaral kung ano ang trabaho ng isang mambabatas lalo’t inire-require silang kumuha ng crash course sa public administration.
Wish lang natin, kung saka-sakali, huwag ‘yung hindi mabuting gawain ang matutuhan nila.
Pero, sa mga hindi kompiramdong impormasyon na kumakalat sa grapevine, wala umanong kakaba-kaba sina representatives Olivarez and Tambunting, sakali mang pumasok sa politika ng mga Parañaqueño sina Papa P., at kuya Boyet…
Wala silang duda na matibay ang poder nila sa mga distritong kanilang kinakatawan.
For the meantime, abang-abang muna tayo guys!
WALANG HUMPAY
NA PAGSIRIT NG PRESYO
NG GASOLINA,
WALA BANG EPEKTO
SA DUTERTE ADMIN?
NITONG mga nakaraang linggo, walang gatol at walang tigil ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.
Kung hindi tayo nagkakamali pitong linggong hindi nagmintis ang pagtataas ng presyo ng gasoline kada linggo.
Pansinin din na hindi naman nagbibigay ng takdang presyo ang advisories ng mga gas station kundi halaga ng sentimong ipinapatong lang nila sa kasalukuyang presyo.
Gaya halimbawa nitong nakaraang Lunes, ang sabi ng Flying V, Petron Corp., Pilipinas Shell Petroleum Corp., at SEAOIL Philippines Inc., magtataas sila ng presyo bawat litro ng gasolina sa P0.40, diesel sa P0.20, at kerosene sa P0.10.
Pero hindi nila sinasabi na mula P59 bawat litro ay magiging P59.42 o etc.
Noong nakaraang linggo, tumaas ang presyo ng gasolina sa P0.50, diesel sa P0.15, at kerosene sa P0.20.
Isang taon na ang nakararaan, ang kabuuang itinaas ng presyo ay umabot na sa P11.97 sa gasolina, P11.95 sa diesel, at P11.46 para sa kerosene, hindi kasama riyan ang itinaas ngayong linggo.
Sa kasalukuyan, ang presyo ng gasolina ay nasa P51.15 hanggang P64.95, diesel mula P44.10 hanggang P53.35, at kerosene mula P48.57 hanggang P58.70.
Wala pang Disyembre ‘yan, hindi nakapagtataka kung umabot pa ito hanggang P80 o biglang sumirt hanggang P100 bawat litro.
Ramdam na ramdam ito ng sambayanan dahil may chain reactions ito hanggang sa mga pangunahing produkto sa merkado na binibili ng mga consumer.
Gusto lang nating itanong, bukod ba sa walang humpay na pakikipagbakbakan sa illegal na droga at politika, wala bang plano ang Duterte administration na ipagsanggalang ang kanyang mamamayan sa hagupit ng ‘malikot’ kung hindi man dumadausdos na ekonomiya?!
Hindi ba puwedeng, have a break, at silipin naman kung ano na talaga ang nangyayari sa ekonomiya na mukhang nagiging banderang kapos?!
HAMON SA I-ACT
LABAN SA ILLEGAL
TERMINAL LAWTON
MARAMI na rin naman ang sumagupa diyan sa illegal terminal lawton pero ‘alang nagawa. Subukan nga natin i2 i-ACT kung talagang matigas dahil mismo ang Maynila alang magawa.
+63917977 – – – –
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap