Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Quinn Carillo Ana Capri Ronnie Lazaro
Quinn Carillo Ana Capri Ronnie Lazaro

Quinn Carillo, enjoy katrabaho sina Ana Capri at Ronnie Lazaro

MASAYA si Quinn Carillo sa mga nangyayari sa career ng grupo nilang Belladonnas. Ang grupong Belladonnas ay binubuo ng seven talented young girls na sina Chloe Sy, Rie Cervantes, Xie Fabricante, Jazzy Dimalanta, Phoebe Loseriaga, Tin Bermas, at siyempre, si Quinn.

Saad ng 20 year old na si Quinn, “Very happy naman po ako sa takbo ng career ko and ang isinaksak ko po sa utak ko is, no matter what the job is, I always do my best. Basta ako po ay grateful sa mga blessings na dumarating at sa mga op­portunity na dumarating.”

Paano sila nag-start? May album na ba sila? “Nag-start po kami sa Circle of Ten po na pageants kasama sina Chloe, ako, Jazzy, Xie,” aniya. Dagdag pa ni Quinn, “We are working na on our album, right now we have two songs na na-record na po so far.”

Very soon din ay mapa­pano­od si Quinn sa peliku­lang Codep  mula sa pama­mahala ni Direk Neal Tan at prodyus ng 3:16 Pro­ductions ni Ms. Len Ca­ril­lo. Kasama niya sa movie ang mga kapwa Belladonnas, Clique V at ilang veteran sa showbiz tulad nina Ronnie Lazaro, Ana Capri, Via Veloso, at Rosanna Roces.

“Iyong eksena namin ni Sir Ronnie, after niyon ay napapalakpak po talaga kami. Kasi habang nagsu-shoot, even pati iyong pagtilaok ng manok, ginamit niya para lang hindi masira ‘yung scene. Na talagang the show must go on… Grabe po si Sir Ronnie, marami akong natutuhan sa kanya.

“Even po kay Ms. Ana Capri, inalalayan din niya ako, sobrang tinulungan niya po ako. Ang role po ni Ms. Ana, nanay ko po siya sa movie. Nagpatulong po ako sa kanya sa lines kung paano ang atakeng ga­gaw­in ko. Then she helps me naman, doon sa scene namin together… kasi my moment nakakalimutan ko iyong blocking, ‘yung lines, kaya tinutulungan po ako ni Ms. Ana,” wika pa ni Quinn.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio


Glydel Mercado bilib sa BeauteDerm at sa CEO nitong si Ms. Rei Tan
Glydel Mercado bilib sa BeauteDerm at sa CEO nitong si Ms. Rei Tan
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …