Sunday , December 22 2024

Ang mga pinahihirapan, pinagkakaitan at inaapi sa lipunan

NAPAKAGANDA ng Salita ng Diyos nitong nagdaang Linggo kaya hindi ko matiis na hindi ibahagi sa inyo ang aking mga salamisim o pansariling homilya kaugnay nito.

Ang Salita ng Diyos ay inihalaw mula sa Aklat ni San Marcos (9:30-37)*. Ito ang isinasaad ng nasabing tala:

30 At nagsialis sila roon, at nangagdaan sa Galilea; at ayaw siyang sinomang tao’y makaalam niyaon.

31 Sapagka’t tinuruan niya ang kaniyang mga alagad, at sa kanila’y sinabi, Ibibigay ang Anak ng tao sa mga kamay ng mga tao, at siya’y papatayin nila; at pagkapatay sa kaniya, ay siyang magbabangong muli pagkaraan ng ikatlong araw.

32 Nguni’t hindi nila naunawa ang sabing ito, at nangatakot silang magsipagtanong sa kaniya.

33 At sila’y nagsidating sa Capernaum: at nang siya’y nasa bahay na ay tinanong niya sila, Ano ang pinagkakatuwiranan ninyo sa daan?

34 Datapuwa’t hindi sila nagsiimik: sapagka’t sila-sila ay nangagtalo sa daan, kung sino ang pinakadakila.

35 At siya’y naupo, at tinawag ang labing-dalawa; at sa kanila’y sinabi niya, Kung sinoman ang ibig na maging una, ay siyang mahuhuli sa lahat, at lingkod ng lahat.

36 At kinuha niya ang isang maliit na bata, at inilagay sa gitna nila: at siya’y kaniyang kinalong, na sa kanila’y sinabi niya.

37 Ang sinomang tumanggap sa isa sa mga ganitong maliliit na bata sa aking pangalan, ay ako ang tinatanggap: at ang sino mang tumanggap sa akin, ay hindi ako ang tinatanggap, kundi yaong sa aki’y nagsugo.

Ang mga talatang ito ay muling nagpapatunay sa pagkiling ni Hesus, hindi sa mga maka­pangyarihan, may estado sa buhay o mga taong malalaki kundi sa mga hamak na paslit, mga nilalang na walang estado sa buhay, mga taong hindi kilala at walang karapatan sa mundo.

Malinaw na para kay Hesus, walang ibig sabihin ang mga titulo, ang katatayuan sa lipuna’t kapangyarihang temporal. Ano nga naman ang silbi ng yaman sa mundo kung ikaw naman ay mabubulid sa walang hanggang pagkakahiwalay sa Diyos?

Pansinin na hindi lamang ito ang ipinakitang halimbawa ni Hesus kung paano niya kinakalinga at binigyan ng pabor ang mga pinahihirapan, pinagkakaitan at inaapi sa lipunan. Walang debate rito. Malinaw ang mga halimbawa.

Sino ba ang mas ginugustong kasama ni Hesus? Hindi ba ang mga babaeng mababa ang lipad, ang mga tagasingil ng buwis, ang mga may ketong, ang mga sinasapian ng demonyo, ang mga may sakit, ang mga bata, ang mga Hentil, ang mga makasalanan. Lahat ng mga ito ay mga taong itinakwil ng lipunang ginagalawan ni Hesus.

Sila ang mga taong walang tinig sa lipunan, mga taong hindi nakikita ng mga makapang­yarihan, sila…sila ang pinaglingkuran at pinangakuan ni Hesus na itaas sa kanyang kaha­rian sa langit, hindi ang mga palalong saserdote o mga pariseo.

Sila na mga walang-wala sa lipunan ang maha­laga sa mata ng Panginoon.

Ikaw sino ba ang iyong pinag­lilingkuran?

***

Pasyalan ni­nyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com para sa mga balita sa ating nagbabagang panahon. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines. Salamat po.

Pasyalan n’yo rin ang pahayagang Hataw sa hatawtabloid.com kung saan lumalabas din ang Usaping Bayan tuwing Miyerkoles at Biyernes. Mabibili rin ang Hataw sa suki ninyong news stand.

USAPING BAYAN
ni Nelson Forte Flores

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *