Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Witnesses sa Maguindanao Massacre nag-atrasan nga ba?

IPINAKAKAON ni Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque ang prosecution panel na humahawak sa kaso ng Maguindanao massacre laban sa pamilya Ampatuan, ang pangunahing suspek sa pagpaslang sa 58 katao na kina­bibilangan ng 32 mamamahayag noong 23 Nobyembre 2009.

Ayon kay Secretary Roque, ipinaa-arrange niya ang meeting sa prosecution panel at kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte upang magbigay umano ng updates ang prosekusyon.

Ito ay sa kasagsagan ng mga napapabalitang pag-atras ng ilang witnesses…

Kung binabawi nga naman ng mga witness ang kanilang naunang testimonya, tiyak na magkakaroon ng epekto ito sa proseso ng prosekusyon.

Ang tanong, ganoon lang ba kadaling bawiin ang mga testimonya ng mga testigo?! Wala ba silang pananagutan sa batas gayong dahil sa kanilang mga testimonya ay ikinulong ang mga Ampatuan?!

Papayag ba ang mga Ampatuan na nakulong sila tapos lalabas na wala pala silang kasalanan?! Hindi kaya balikan nila ang mga testigo?!

Kung gaano katagal ang itinatakbo ng kaso, ganoon din katagal ang inilalagi ngayon sa ku­lungan ng mga natitira pang suspek na kina­bibilangan nga ng mga Ampatuan.

Pero bakit nga ba nag-atrasan ang mga witness?! Talaga bang hindi tama ang kanilang testimonya?

O dahil ‘naglaro’ sila sa games na “if the price is right?”

Kung hindi tayo nagkakamali, naging private lawyer si Secretary Roque ng ilang naiwan ng mga biktima kaya palagay natin e malaking tulong kung mailalapit niya ang kaso sa Pangulo.

Paano kung lahat ng witness ay mag-atrasan na?! Ano ang mangyayari sa kaso ng Maguindanao massacre?!

Alalahanin na malapit na ang ika-9 na anibersaryo nito…

Makamit pa kaya ng mga biktima at ng mga naulila ang katarungan?

Tsk tsk tsk…

SURVEY NG PULSE ASIA
PARA SA SENATORIAL RACE
SAME OLD NAMES
SAME OLD FACES

HINDI na tayo nagtataka kung muling naging No. 1 sa survey si Senator Grace Poe, malakas pa rin ang magic niya sa tao at nakikita ng mamamayan kung paano siya mag­trabaho.

Sinundan siya nina senators Cynthia Villar, Pia Cayetano, Nancy Binay, Sara Duterte, Sonny Angara, Jinggoy Estrada, Imee Marcos, Koko Pimentel, Lito Lapid, Sergs Osmeña, at Mar Roxas.

Anong napansin ninyo?!

Hindi ba’t mga dating pangalan pa rin?! E ano ba ang nagawa nila sa taong bayan?

Mayroon diyan, lumamon na ng kalsada ang pamilya, gusto pang lagukin ang sistema ng MWSS at LWUA sa buong bansa.

‘Yung isa, nagdagdag ng pasaning buwis, dapat lagyan ‘yan ng krokis.

‘Yung isa naman, subok na tahimik pero matinding magbutas ng silya daig pa ang paet. Pero kapag botohan mabilis magtaas ng kamay.

Ang iba pa, minana lang ang pangalan ng kanilang pamilya, ‘yun ang pinakamlaking achievements nila.

Kaya huwag nang magtaka kung lumabas man ang pangalan nila sa false ‘este Pulse Asia Survey, sabi nga, may recall ang kanilang pangalan.

Pero pagkatapos ng eleksiyon at sila’y nanalo sa eleksiyon, hindi natin alam kung may recall sa kanilang tuktok ang mga taong sa kanila’y naglukok.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *