Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sipat Mat Vicencio

Kulelat sa senatorial race

HINDI na dapat umasa pa ang  Liberal Party ni dating Pangulong Noynoy Aquino na mananalo ang kanilang senatorial bets sa darating na 2019 midterm elections.

Kung kikilatising mabuti, maihahambing sa panis o bilasang paninda ang mga kandidato ng LP.

Tulad ng senatorial bet ng LP, basura rin na maituturing ang mga kandidato ng PDP-Laban ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel. Karamihan din sa mga kandidato ng PDP-Laban ay sa kangkungan dadamputin.

At kung totoo ngang tuloy ang kandidatura nina Jim Paredes, Agot Isidro at Leah Navarro sa LP, wala rin silang kapana-panalo.  E, sino nga ba naman ang magsisiboto sa tatlong kumag? Mas mabuti pa siguro kung si Amay Bisaya na lang ang tumakbo at baka makasilat pa sa eleksiyon.

Maliban siguro kina dating Senador Mar Ro­xas at reelectionist na si Senador Bam Aquino, wala nang senatorial bet ang LP na masasabing maaaring makalusot sa darating na eleksiyon. Marami nang lumayas sa LP at karamihan sa kanila ay kasapi na ngayon ng PDP-Laban.

Wala rin matinong pagpipilian ang mga botante sa hanay ng PDP-Laban. Maliban kina dating MMDA chairman Francis Tolentino at reelectionist na Senador Koko Pimentel, lahat ay sa basura na dadamputin.

Kung tutuusin, hindi pa rin nakatitiyak itong si Pimentel dahil sa problema tungkol sa kanyang kandidatura bunsod na rin sa kuwestiyonable ang termino nang manalo sa protesta laban kay Senador Migz Zubiri.

Hindi rin puwedeng angkinin ng PDP-Laban ang mga reelectionist senators dahil hindi naman sila mga miyembro ng partido. Maituturing na mga guest candidates lamang sina Senador Grace Poe, Cynthia Villar, Sonny Angara, Nancy Binay, JV Ejercito kung magsisitakbo sila sa partido ni Pimentel.

Pare-parehong mahihina ang mga kandidato ng LP at PDP-Laban!

Sa latest survey ng Pulse Asia, tanging si Roxas ng LP ang pumasok sa magic 12. Saman­tala pawang butata ang mga kandidato sa PDP-Laban.

Sa nasabing survey, nanguna sina Grace Poe, Cynthia Villar, Pia Cayetano, Nancy Binay, Sara Duterte, Sonny Angara, Jinggoy Estrada, Imee Marcos, Pimentel, Lito Lapid, Serge Osmena at Roxas. Hindi dapat pagtakhan si Lapid kung bakit nakapasok sa magic 12, dahil kasama siya sa numero unong teleserye na “Probinsyano” ni Coco Martin.

Nakahihiya ang senatorial bets ng LP at PDP-Laban dahil karamihan sa kanila ay kulelat. Ilan sa kanila ay sina Agot na pang-38; Erin Tanada  nasa ika-46; Chel Diokno nasa pang-62; Paredes, ika-63; Barry Gutierrez, nasa ika-65, at Florin Hilbay na pang-66.

Huwag na nating banggitin pa ang mga kulelat na kandidato ng PDP-Laban dahil napaka­layo sa mga senador na pumasok sa magic 12.

Asahan ang mananalo sa darating na mid­term elections sa susunod na taon ay pawang mga reelectionist at ‘yung mga nasa magic 12 ngayon ng Pulse Asia at ng Social Weather Station na inaasahang maglalabas din ng kanilang survey.

SIPAT
ni Mat Vicencio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …