Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Pinoys dinadaig sa job placement ng mga Chinese nat’l sa sariling bayan

SA deliberasyon ng 2019 budget para sa Department of Labor and Employment’s (Dole) 2019 budget, tinawag ni Senador Franklin Drilon ang atensiyon ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa kanyang natuk­lasan mula sa “industry people” na mayroong 400,000 foreign workers sa Metro Manila.

Metro Manila lang ‘yan, hindi pa kasama ang mga urbanisadong lugar sa iba’t ibang probinsiya.

Sa bilang na ito, 150,000 workers ang sinabing nagtatrabaho sa Entertainment City ng Parañaque.

Ibig sabihin, mayroon sa mga KTV club, sa mga hotel, sa mga casino pero ang higit sa lahat, mga online gaming establishments at BPO.

Pero ayon kay Secretary Bebot Bello, mali ang datos ni Sen. Drilon at iginiit na ang DOLE ay nag-isyu lamang ng 40,000 Alien Employment Permits (AEP) nitong huling 18 buwan.

Sa bilang na nabanggit, 25,000 lang umano ang napunta sa mga Chinese national.

Pero sa ilalim ng DOLE Department Order No. 97-09, ang AEP application ay maaaring hindi ipagkaloob sa isang dayuhan kung mayro­ong Filipino na competent, may kakaya­han at gus­­tong gampanan ang kagayang mga tra­baho.

Ayon kay Drilon, ang 25,000 Chinese national na may AEPs ay nagtatrabaho sa online gaming at business process outsourcing (BPO) in­dustries.

Hindi nga naman katanggap-tanggap na hindi kayang gampanan ‘yan ng mga Filipino. Hindi hamak na mas mahusay sa komunikasyon sa wikang English ang mga Pinoy, maliban kung ang mga kliyente ng online gaming at BPO na pinapasukan ng mga Chinese nationals ay kababayan nila?!

Diin ni Drilon, “The granting of permits to aliens where skills is abundantly available in the country is something not acceptable to us.”

Pabor tayo sa sinasabi ni Sen. Drilon at mata­gal na nating pinupuna ang pagdagsa ng mga Chinese nationals na nagtatrabaho sa online gaming at BPOs lalo sa southn Metro Manila.

Ang sabi ni Sec. Bello, 40,000 dayuhan ang nabigyan ng AEP. Ibig bang sabihin, maraming ilegal na dayuhang nagtatrabaho ngayon sa bansa?!

Ganoon ba ‘yun, Secretary Bello?

Sino ngayon ang napapalusutan ng mga illegal foreign workers na nasa bansa?!

Mukhang sasakit ang ulo ni Commissioner Jaime Morente sa isyung ito…

Panahon na siguro para busisiin ang mga ‘suki’ ng mga Chinese mainlander, Commis­sioner.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *