Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lance Raymundo
Lance Raymundo

Lance Raymundo, happy sa launching ng single niyang YATO

SOBRA ang kasiyahan ni Lance Raymundo sa launching ng bago niyang single titled YATO or You Are The One mula Viva Music. Bale, isang press preview and listening party ang ginanap sa Black Maria Cinema sa Manda­luyong City last September 13 para mapanood ng media ang music video ng naturang single na si Lance rin ang nag-com­pose.

Sa aming panayam, sinabi ni Lance ang labis na kagalakan sa naturang event.

Aniya, “Very happy, especially this day, ano. It’s well attended, lahat ng tao nandito. Yeah, my mom, kuya Rannie, grandma’s here. And all of you, especially may warning na nga ‘yung pag-asa na dapat huwag kayong lumabas ng bahay dahil sa bagyo, tapos ay nandito kayong lahat para sa akin.

“So, it made me feel so good na people are here to support me, in fact si Brigitte McBride ng Viva nandito rin and my Viva Family, I really feel the love and support from everyone.

“Kaya iyon ang pinakaregalo sa akin ng pagkakataon na after all these years, Viva opened their doors to me again and embraced me again as an artist. So ayun, masaya talaga ako.”

Paano niya ide-describe ang YATO? “It’s a song na nabuo ko during a time in my life when I was really in love with someone. I composed it for my girlfriend at that time. That’s why most people who hear it tell me, they feel the sincerity of the song… from lyrics to melody etcetera. It’s a simple but very sincere love song,” esplika ng magaling na singer-songwriter.

Parang bitin ang music video ni Lance sa bandang huli na may pahapyaw ng tunay na nangyari sa kanya nang naaksidente siya sa gym, four years ago. Pero ipina­liwanag niya ang dahilan nito. “Sinadya namin iyon na hindi na ipakita ang mukha ko, kung ano ang nangyari talaga sa akin. Because we’re talking about true love sa You Are The One, and ang true love, wala siyang pinipiling bigyan. Ibig sabihin, mamahalin lang ba ako ng babae kasi naayos na ang mukha ko?

“So kung mahal niya talaga ako, kahit na sira ‘yung mukha ko, kahit hindi na mabalik sa rati, ang mahalaga ay buhay ako. Kaya ‘yung character ni Jana (Victoria), it’s just the fact na I’m alive na kaya niya ako niyakap at tuwang-tuwa siya,” wika ni Lance.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …