Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julia Lopez family
Julia Lopez family

Julia Lopez nakapag-asawa ng milyonaryong dentist sa SanFo (Dating sexy actress at singer)

I’M SURE hindi pa rin nakakalimutan ng kaniyang male fans ang dating sexy actress-singer na si Julia Lopez na napanood noon sa sexy films na Bedtime Stories (2002), Sa Piling Ng Mga Belyas (2003),  U Belt Student (2004) atbp.

At dahil maganda na, super flawless at may acting talent ay agad naagaw noon ni Julia ang atensiyon  ng mga kalalakihan na pinagpa­pan­ta­syahan siya. Marunong sa buhay si Julia kay noong panahong kumikita sa pag-aartista at pagso-show sa bansa at abroad ay puro ipon siya sa banko kaya maraming properties ang kanyang nabili kabilang ang townhouse sa Mandaluyong at SUV car.

Sa ngayon ay natagpuan na ng nasabing sexy star ang tunay na kaligayahan sa piling ng kanyang pinakasalang doctor sa San Francisco, California na si Dr. Halili, isang dentist at may dalawang pag-aaring dental clinic na kilala sa buong SanFo.

Nabiyayaan ang mag-asawa ng kambal na boy at girl na parehong nag-aaral na ngayon. Well, sanay na sa magarang lifestyle si Julia at sports car lang naman ang minamaneho niya nga­yon tuwing papasok sa kanilang clinic at pagsundo sa kanilang kids.

Hindi pa rin naman niya nakakalimutang mag-share ng kanyang blessings lalo sa kanyang pamilya at ilang lumalapit sa kanya. “God is good all the time and always! Because Of Him my life is complete now,” sey ni Julia.

Naikuwento rin pala ni Julia nang amin siyang maka-chat nitong Miyerkoles lang na noong magbakasyon raw sa San Francisco si Ara Mina na nakasama niya noon sa isang movie ay sa kanila nag-stay at happy si Julia at pinuntahan siya ng kapwa actress at nagka-bonding sila nang husto.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …