Thursday , March 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jovito Palparan
Jovito Palparan

Hustisya kapos pa rin

NITONG Lunes, inilabas ng Malolos regional trial court ang hatol nitong guilty sa dating heneral na si Jovito Palparan, ang tinaguriang “berdugo” ng mga makakaliwang grupo, sa kasong pagdukot at pagkawala ng dalawang mag-aaral ng University of the Philippines noong 2006.

Bagamat hindi pa pinal ang desisyon na naghahatol kay Palparan na makulong nang 20 hanggang 40 taon,  lalo pa’t iaapela ng dating heneral ng Philippine Army, ang hatol sa kanya ni Malolos RTC Judge Alexander Tamayo, hindi matatawaran ang tuwa na ibinigay nito sa mga magulang at kaanak ng dalawang biktima na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno.

Para sa mga ina ng dalawang mag-aaral, simula na ito ng hustisya na kanilang inaasam para sa mga anak. Ito ang nagbibigay sa kanila ng lakas ng loob na maniwala na mayroon pa rin palang pag-asa ang hustisya sa bansa. Isang malaking kagalakan na madinig ang hatol ng huwes na nagko-convict sa taong sa simula pa lang ay pinaniwalaan nilang “utak” sa pagkawala ng mga anak. 

Malungkot na masaya ang desisyon na inihatol ng huwes dahil sa kabila ng positibong resolusyon ng kanilang kaso ay nana­natiling nawawala ang kanilang mga anak. Mababaw ang sayang ito kung tutuusin lalo pa’t hanggang ngayon ay hindi mabatid ng kanilang mga magulang ang tunay nilang kalagayan: kung buhay pa nga ba sila o noon pa man ay pinas­lang na sila.

Tunay na makakamit lamang ang hustisya para sa dalawang mag-aaral at ng kani-kanilang pamilya sa sandaling tuluyang maparusahan ang nagkasala at mailulutang ang dalawang biktima, buhay man sila o patay na.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga kababaihan sa likod ng mga dinastiyang pampolitika

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KAPAG iniisip ng mga Filipino ang mga dinastiyang pampolitika, …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Ano ang tunay na layunin ng ‘Maleta soldiers’ exposé?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI  itinuturing na aksidente ang paglitaw ng 18 kataong nagpakilalang ex-Marines …

Aksyon Agad Almar Danguilan

May mga tanong sa kredibilidad at identidad ng 18 ex-Marines

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA KASALUKUYANG pagdinig ng International Criminal Court (ICC) sa kasong kinakaharap …

Firing Line Robert Roque

Ang Panganib ng mga Landfill

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANG tanging dahilan kung bakit tila hindi gaanong pinapansin …

PADAYON logo ni Teddy Brul

People Power revisited:
Ang kapangyarihan ng masa at dominasyon ng elitista

Ang mga larawan ay mula sa file photos ni Romeo Mariano. “KUMUSTA na, ayos pa …