Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Reclusion Perpetua hatol kay ex-M/Gen. Jovito “The Butcher” Palparan

PAGKATAPOS ng 12 taon, nakamit ng pamilya ng dalawang estudyante na sinabing ‘dinukot’ ni dating AFP M/Gen. Jovito Palparan, Jr., ang kata­rungan matapos ipataw ng hukuman ang hatol sa heneral na tinaguriang “The Butcher.”

Dating commander ng 7th Infantry Division ng Philippine Army sa Central Luzon, si Palparan ay itinurong utak at nasa likod ng pagdukot at pagkawala ng mga UP student na sina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan noong 2006.

Nawala ang dalawang estudyante habang nasa Hagonoy, Bulacan noong Hunyo 2006. Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nakikita ang dalawa, kahit ang bangkay nila kung sakali mang sila ay pinaslang.

Napatunayan ng hukuman sa Malolos, Bulacan na guilty si Palparan sa pagkawala nina Empeño at Cadapan at siya ay hinatulan ng reclusion perpetua.

Ang Reclusion perpetua ay pagkakabilanggo mula 20 hanggang 30 taon, at maaaring gawaran ng parole kapag napagsilbihan na ito.

Pinagbabayad din si Palparan ng P100,000 civil indemnity at P200,000 moral damages sa bawat kaso ng dalawang bilang ng kidnapping and serious illegal detention.

Sabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra, “Justice may come a bit late, but it does come. Let’s believe in that.”

Iginagalang raw ng Palasyo ang desisyon ng korte, sa katunayan, ipinahahanda na kay BuCor chief, ex-Gen. Bato dela Rosa ang tutuluyan niya sa National Bilibid Prison (NBP).

Kasamang nahatulan ni Palparan sina Lt. Col. Felipe G. Anotado, Jr., at S/Sgt. Edgardo L. Osorio. At-large naman o hindi pa natatagpuan si M/Sgt. Rizal C. Hilario.

Kung naisalang sa arraignment si Hilario, ibig sabihin siya ay nahatulan in absentia, pero kung hindi pa, wala pa siya sa hurisdiksiyon ng korte.

Hindi raw natakot ang “The Butcher” nang ibaba ang hatol, sa halip minura raw ang hukom at ang piskal. Kahit daw i-contempt pa siya hindi naman siya natatakot dahil ikukulong na sila.

Iba talaga ang tapang ni Palparan ha!

Inisip siguro ni Ex-Gen. na hindi siya maha­hatulan dahil ang kanyang bossing na si Madam GMA ay kasalukuyang Speaker of the House.

Nalaman na kaya ni Ex-Gen. kung ano ang mensahe ni Madam GMA?!

Paki-share naman…

Anyway, maraming puwedeng gawin sa loob si Ex-Gen., magtayo ng banda dahil isa siyang musikero, mangaral bilang pastor para mapadali ang commutation ng hatol sa kaniya, magturo ng intelligence work, o kaya magsanay ng mga batang bilanggo na puwedeng maging brigada.

‘Yan ay kung makaliligtas siya sa mga kaliwa na nasa NBP rin.

Abangan natin ang mga susundo na kabanata.

‘BATANG HAMOG’
LUSOT NA LUSOT
SA JUVENILE ACT
NI SENATOR KIKO

NAKITA nang marami sa social media kung paano magwala at manakit ang mga ‘batang hamog’ sa Pasay City, kamakailan.

Hindi lang ‘yung kaso ng matandang kina­ladkad nila pababa sa dyip saka pinagtulungang hatak-hatakin habang sinasaktan hanggang maigupo sa gutter.

‘Yan ay sa Taft Avenue nangyari.

Iba pa ‘yung naganap sa Macapagal Blvd., na walang ginawa kundi manakit ng mga pasahero at mang-agaw ng mga gamit o pag­kain na kursunada nila.

Mantakin ninyo, sitsirya lang ang target pero walang pakundangan kung makapanakit ng mga pasahero?!

Ang ipinagtataka natin, marami na palang reklamo tungkol sa mga ‘batang hamog’ na ‘yan, e bakit hindi man lang umaaksiyon ang mga awtoridad lalo na ang pulisya at Department of Social Work and Development (DSWD)?

Kung hindi pa naging viral sa social media, hindi pa madadampot ‘yang mga batang hamog na ‘yan.

Marami ang nagsasabi na ang nagaganap na ‘yan ay dahil sa inutil na ‘Juvenile Act’ ni Sen. Kiko Pangilinan. Wala bang gagawin si Senator Kiko para amyendahan ‘yang batas na ‘yan na hindi nakatulong kundi nakapag­palala pa sa pagiging delingkuwente ng mga kabataan?

Aksiyon!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *