Friday , November 15 2024

Motion sensor alarm sa QC panapat sa “termite gang”

UNA’Y alarm system sa bawat bahay sanglaan o pawnshop para masawata ang panloloob ng mga kawatan sa isang bahay-sanglaan pero tila walang silbi ang alarm system.

Napapasok pa rin ng masasamang elemento – nagawa pa rin nilang mapagnakawan sa pama­magitan ng paghukay ng ‘tunnel’ mula sa labas ng establisimiyento papasok sa pawnshop.

Marami nang pawnshop ang napasok at natatangayan ng malaking halaga ng alahas o cash, sa kabila na mayroong alarm system ang mga bahay sanglaan.

Ano pa man, hindi naman nagpabaya ang pulisya dahil may mga naarestong miyembro ng iba’t ibang grupo ng “daga-daga gang” o “termite robbers/gang.” Iyon nga lang nakalalaya naman sila matapos na magpiyansa.

May mga napapawalang-sala rin makaraang mawalan ng interes sa kaso ang ilan sa may-ari ng pawnshop.

Makaraang mapatunayan na walang silbi ang alarm system, inobliga naman ang mga establisimiyento kabilang ang mga pawnshop na magkabit ng CCTV. ‘Ika nga ng polisiya, “No CCTV, no business permit.”

Isa ang pamahalaang Lungsod Quezon sa nagpapatupad ng paglalagay ng CCTV bilang isa sa requirements ng pagkuha ng business permit sa Business Permit and Licensing Office (BPLO).

Naniniwala ang city government na ang CCTV ay makatutulong nang malaki sa imbestigasyon ng pulisya para sa ikalulutas ng kriemn. Totoo naman at marami nang beses napatunayan.

Iyon nga lang, nakita ng city government o ni QC Mayor Herbert “Bistek” Bautista na tila may kulang. Nakalulusot pa rin kasi ang mga nagnana­kaw sa pawnshops.

Nakita ni Bistek na kulang nga ang alarm system at CCTV, kayang-kayang lusutan ng mga kawatan/holdaper ang mga gadget.

Pero sa panibagong solusyon ng pamaha­laang lungsod, naniniwala si Mayor Bistek na madali nang masolusyonan ang pagpasok ng mga kawatan sa isang pawnshop. Masasawata at mahuhuli na sa akto sa loob ng pawnshop ang mga kawatang “termite gang” na nakapasok sa establisimiyento.

Ang solusyon ni Bistek – oobligahin niya ang mga pawnshop na magpakabit ng motion sensor alarm. Hindi lang isang kautusang laway ang pagpapakabit ng motion sensor alarm kung hindi suportado ng city ordinance 2721 na akda naman ni Councilor Jose Mario Don S. De Leon.

So meaning, requirements na ito tulad ng CCTV na lahat ay inoobliga kung hindi ay hindi makakukuha ng permit ang mga esta­bli­si­miyento.

Sabi ni Bistek, ang bagong ordinansa ay bunga ng mga naitalang kaso ng pagnanakaw sa mga banko o pawnshop  sa pamamagitan ng pag­huhukay sa ilalim ng lupa para lihim na makapasok sa establisimiyento ang mga magnanakaw.

‘Ika naman ng may akda ng lokal na batas, ang paglalagay ng motion sensor alarm sa mga sanglaan ay makatutulong upang mapanatili ang seguridad nito at mapangalagaan ang mga alahas at iba pa, na nakalagak sa isang pawnshop.

Kung suriin, maganda-ganda rin ang solusyon ni Bistek at De Leon – sa pamamagitan ng motion sensor alarm sa loob ng pawnshops, agad malalaman na may magnanakaw sa loob ng isang pawnshop lalo na sa gabi. Buko agad ang mga nakapasok na termite gang.

Sa pamamagitan ng motion sensor alarm, agad na makapagreresponde ang pulisya…at malamang sa malamang na aktuwal na mahuhuli sa akto ang mga kawatan. Kaya, sa pamamagitan ng bagong requirement ni Bistek, malamang na malaki rin ang ibababa ng pagpasok ng “termite gang” sa mga banko o pawnshop.

Matatakot na ang mga “termite gang” sa pagsalakay  dahil agad malalaman ng pulisya kung may kawatan sa loob agad na makareresponde ang mga awtoridad at ang resulta’y huli sa akto ang mga kawatan.

E paano naman pala Mr. Bistek kung ayaw sumunod sa ordinansa ang mga pawnshop? Well, bahala sila hindi ba Mr. Mayor? Dahil kung ayaw nilang sumunod, walang business permit at magmumulta pa ng P5,000 Kaya no choice ang mga pawnshop owner kung hindi sumunod. Hindi naman ito para kay yorme, kung hindi para sa mga negosyante.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *