Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Gabinete ni Presidente Duterte ready laban kay Ompong

KUNG laging handa ang mga inaasahan nating opisyal ng pamahalaan tuwing may kalamidad na darating, masasabi nating naiibsan ang pangamba ng sambayanan.

Gayonman, dapat din nating tandaan, hindi lang mga opisyal ng pamahalaan ang may pananagutan sa kaligtasan ng bawat isa, higit sa lahat, ang bawat indibiduwal, bawat pamilya at ang buong komunidad ay may malaking papel na dapat gampanan para hindi na maulit ang naganap noong panahon ni Yolanda.

Kakaiba noong mga nakaraang pagdating nang malalakas na kalamidad, dito sa bagyong Ompong ay halos isang linggong nagpaalala, nagbabala at naghanda ang pamahalaan sa target na zero casualty.

Nitong Sabado (15 Setyembre) humagupit ang bagyong Ompong sa north Luzon. Napurohan ang Region I, Region II, CAR at Region III.

Hindi tayo natutuwa na halos 61 casualties at mayroon pang missing sa katatapos na kala­midad. Lalo tayong nalungkot dahil naka­hihilakbot ang nangyari sa Benguet na kinabi­bilangan ng Baguio City. Grabe ang agos ng tubig mula sa kabundukan pababa sa kalunsuran.

Ang landslides sa Itogon na pinakamarami  ang casualties at 40 katao ang iniulat na na-trap sa loob ng minahan.

Maraming palayan at kabahayan ang sinalanta sa Cagayan kaya’t lalo pang nagba­banta ang kakulangan sa supply ng pagkain — bigas at gulay — na tiyak na lalong sisirit ang presyo habang papalapit ang Kapaskohan.

Sa kabila nito, alam nating malaking kaaga­nan sa pakiramdam ng mga kababayan nating apektado ng bagyo kapag alam nilang mayroong mga opisyal ng pamahalaan na agarang tumutugon sa mga nasalanta.

At hindi lang basta opisyal ng gobyerno ang umaksiyon, kundi mga Gabinete ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa pangunguna ni Presidential Adviser on Political Affairs Francis Tolentino.

‘Yung isang linggong abiso sa buong bansa na si Ompong ay isang super typhoon ay malaking bagay sa paghahanda.

‘Yung pagpunta ng Cabinet members sa mga area na nasalanta, malaking morale booster iyon. ‘Yung maagap na pagpapadala ng relief goods sa mga nangangailangan, mabisang pam­palubag sa nararanasang kawalan sa panahon ng kala­midad.

Lahat ‘yan ay ginawa ng buong Gabinete at ng mga tunay na opisyal ni Pangulong Digong.

Hindi natin nakita ‘yan sa telebisyon at sa social media kasi hindi sila mahilig mag-selfie.

Kahit nga si SAP Bong Go na mahilig mag-selfie ay nitong pagkatapos na ng bagyo naglabasan ang selfie. Kasi, genuine na naro­roon sa nasalantang lugar na walang koryente, walang wi-fi at talagang apektado pati serbisyo ng tubig.

Kung may nakita man kayong post sa social media na nag-selfie at nagpapakitang nasa apektadong area kuno at nag-iinspeksiyon, ‘fake’ ‘yun.

Mantakin ninyo, minutes lang, at habang nanalanta si Ompong ay naka-post agad?! Ibig sabihin, wala sa mga sinasalantang  lugar sa northern Luzon kundi nandiyan lang sa tabi-tabi, kaya mabilis na nai-post ang selfie.

Hak hak hak!

Pansinin ninyo, ‘yung mga totoong nagtrabaho, walang selfie.

Ano nga ang sabi ni Ms. Jessica Sojo nang tanggapin niya ang UP Gawad Plaridel?

Aniya, “Truth is not determined by algorithms, but by facts and facts alone.”

Ibig sabihin, kahit ilang beses pang i-share ‘yang ‘fake’ na selfie sa social media hindi ‘yan magtatakda ng katotohanan.

‘Yun lang!

Kudos po sa mga miyembro ng Gabinete na nagtrabahong tunay nitong nakaraang pananalanta ng bagyong Ompong.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *