Sunday , December 22 2024
Imee Marcos
Imee Marcos

Sense of history, paganahin sa eleksiyon

BUENA MANONG nagpatawag ng malakihang presscon si Ilocos Norte Governor Imee Marcos. Obyus naman ang dahilan: tatakbo siyang Senador sa 2019 national elections.

I­lang buwan na ang naka­rara­an noong mag-viral ang mala-instructional video ni Imee as she gave a French twang to Filipino words na may kabastusan.

Ewan kung nagti-trip lang siya noon pero kunwari’y isa siyang professor ng Foreign Languages sa isang silid-aralan na waley namang mga estudyante.

Months later ay bumida na naman si Imee  kaugnay ng kinakaharap niyang kaso, pero mga pekeng dokumento naman umano ang kanyang isinumite.

Sinundan ito sa pagdiriwang ng 35th death anniversary ni dating Senator Ninoy Aquino, na may panawagan si Imee sa taumbayan—lalong-lalo na sa mga kritiko ng kanyang pamilya—na mag-move on na.

Alam naman ng balana na to this day ay pinapanagot pa rin ang rehimen ni Marcos sa pagkakapaslang kay Ninoy.

May punto naman si Imee. Mahigit tatlong dekada na ang lumipas buhat noon.

Pero para sa mga Filipinong dumaan sa administrasyon ng kanyag ama—isama na ang mga biktima ng pang-aabuso at diktadurya—ang panawagan niyang mag-move on na gayong hindi sila naringgan ng pagso-sorry ay walang iniwan sa isang taong nagso-sorry nga pero galing naman sa ilong.

Sa planong pagtakbo ng isa na namang Marcos sa Senado ay paganahin naman sana natin ang ating sense of history.

Batid naming marami ang aming makakaaway sa kolum na ito, pero kanya-kanya lang naman tayo ng pananaw sa politika. Respetuhan lang ‘yan.

Kung tinitipa namin ito noong panahon ni Marcos, tiyak mayroon kaming paglalagyan.

Totoong hindi kasalanan ng ibang miyembro ng angkan kung naluklok man sila sa iba’t ibang puwesto. Ibinoto pa rin naman sila, sa anupamang paraan sila nanalo. Care bears nila dahil  ang mahalaga importante para sa kanila, nakaupo na sila.

We have nothing against Imee.

‘Kaaliw nga ang babaeng ito. Babaeng bakla kasi, jologs pati kahit ang panlabas niyang katauhan ay nagkakanulo sa kanyang pagiging edukada, disente, at fashionista.

Isa na naman bang galamay na may kakayahang manakmal uli ang gusto nating maging bahagi ng madilim na kasaysayan ng ating bayan?

Alog-alugin naman natin ang ating historical brains, mukhang kinakalawang yata.

Galit tayong mga Pinoy sa mga magnanakaw sa gob­yerno, pero ang ending ay ano?

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *