Monday , December 23 2024
Ced Torrecarion The Lost Sheep.
Ced Torrecarion The Lost Sheep

Ced Torrecarion, pinagplanuhan ang pagpapakamatay

WELL it’s not   really the Senakulo type, it’s about the life of an Atheist, a non- believer, wala siyang God, who went back to the time of Christ, nakita niya ‘yung mga miracle ni Lord, and eventually mayroon siyang bestfriend, ‘yun pala from that time on it was Jesus Christ all the time. So being an Atheist during his time nakita ‘yung mga miracles,” umpisang kuwento ni Ced Torrecarion tungkol sa musical play nilang The Lost Sheep.

Sa modern times ang setting ng play?

“Yes. May modern time, tapos mayroon ding time ni Jesus Christ. So, may contemporary, parang Broadway-ish type na musical.

“It’s an original play, written and directed by Jon Achaval.”

Gaganap si Ced sa The Lost Sheep bilang Jesus Christ.

Mapapanood  ito sa October 27 (4:00, 7:00 p.m.) sa the Star Theater, CCP Complex. Tampok din dito sina Reuben Aslor (Atheist); Lovely Rivero (Mary), at Jeffrey Santos (Peter).

Produced ito ni Lee Anne Achaval.

DEPRESSION
AT ANXIETY
ATTACK

MARAMING pinagdaanan si Ced sa buhay, isa na rito ang pagkamatay ng kanyang ina.

“My mom, I went into, honestly, ha? I went into a depression.”

Dahil sa pagpanaw ng ina niya o may iba pa?

“Mom, and then my family, that time kasi I had a daughter na kasama ko from time to time, na inilayo sa akin. As a dad medyo mahirap ‘yun, na parang challenge sa akin ‘yun. Then things weren’t doing well.”

Nagwakas ang pagsasama nila ng ina ng anak niya at nawalay kay Ced ang kanyang anak na babae.

“Inilayo siya sa akin.”

Dahil sa pagkamatay ng mother niya at pagkawalay sa kanya ng anak niya ay. “I was working but I wasn’t happy. Nagkaroon ako ng anxiety attacks.”

Paano niya ‘yon na-overcome?

“Pamilya ko and the church, my brother, my dad, my sister, there were there.

“Well buhay pa si Mama that time, when I really attempted everything, hindi ko ikinahihiya ito. I attempted to end everything!”

Umamin si Ced na nagtangka siyang magpakamatay!

“Marami, matatawa ka, ngayon pinagtatawanan ko na lang.

“There was a time na nagtatrabaho ako, gusto kong tumalon ng overpass.

“Eh, medyo may pagka-vain ako, sabi ko, ‘pag tumalon ako sa overpass, basag ang bungo ko tapos mado-double dead pa ako, masasagasaan ako, ang pangit ko sa ataul!

“Tapos pangalawa, may baril ako rati, sabi ko, magbabaril ako, hawak ko na ‘yung baril. Naisip ko, pangit din kasi lolobo na lalabas ang bala, at basag din ang bungo ko.

“Sabi ko, ‘Hindi na, hindi na!’

“Pinakahuli, I was in the expressway, I was driving a hundred, tapos pikit ako, pagkapikit ko, tinodo ko na ang bilis, tatanggalin ko na ‘yung seatbelt, ibabangga ko na ang sasakyan ko, pagkapikit na pagkapikit ko, hulaan mo nakita ko?

“Mukha ng anak ko at saka cross, the cross, si Jesus Christ!

“Talagang ano ako, nag-preno ako, pumarada ako sa gilid, and you know? I prayed, I was crying, siguro mga dalawang oras akong nandoon sa gilid, umiiyak ako.

“Tapos parang eksena sa pelikula, biglang bumuhos ang ulan! Talagang iyak ako ng iyak, humihingi ako ng tawad, alam naman natin na ang buhay natin ay hiram.

“Wala tayong karapatang tapusin. So iyak ako ng iyak, I said sorry.

“And then from now on sabi ko sa kanya, kung sinong malalaman kong kaibigan na depressed who wants to do this or that, dadalhin ko sa simbahan.

“And it happened. A lot of times.

“Hindi ko na sasabihin, ‘yung iba taga-showbiz, I won’t mention their names.

“Igina-guide ko, I will bring them to Baclaran church.”

Naging simula na iyon ng pagbabago ng takbo ng buhay ni Ced mula sa pagiging “the lost sheep.”

Ironic nga na siya ang gaganap na Jesus Christ sa The Lost Sheep pero siya ang Atheist na si Charlie na lost sheep dati.

Pero dahil sa pagbabago niya ay siya na ang naging guide o “pastol” ng mga kaibigan niyang naliligaw ng landas.

Halos kompleto ang buhay niya ngayon pero mas makukompleto ito kapag nakapiling niya regularly ang anak niya.

Huling nakita ni Ced ang anak niya October last year.

“Isang taon na.

Tatlong taon tumagal ang relasyon nila ng naturang babae, naghiwalay sila 2011.

“Matagal na, naka-recover na rin ako.”

Walang karelasyon si Ced ngayon.

About Rommel Gonzales

Check Also

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *