Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Bato ibato sa Senado

PINAL at deklarado na si dating PNP chief at kasalukuyang Bureau of Corrections (BuCor) Director General Ronald “Bato” dela Rosa na tatakbo na sa Senado sa ilalim ng PDP Laban.

Kompiyansa siguro si DGen. Bato na makakukuha siya ng maraming boto at makapapasok sa Senado.

Hindi malilimutan si DGen. Bato dahil sa maigting na kampanya sa Oplan Tokhang.

Baka sa pagsusulong niya niyan ay makahamig siya ng maraming boto.

Dalawang bagay nga lang, maraming boto na ayaw sa kanya dahil sa tokhang o maraming boto na gusto siya dahil sa tokhang.

‘Yan ang aabangan natin.

Pero, alam naman ninyo sa senado, kung sa survey ay makasasampa sa ika-15 ang kandidato, medyo may pag-asa ‘yan.

Pero kung hindi sasampa riyan, huwag nang umasa dahil tiyak makikipag-unahan sila sa puwesto ng mga kulelat.

Bukod diyan, malaking gastusan din ‘yan. Sapat-sapat na kaya ang naisubi ni DGen. Bato?!

Friendly advice, DGen. Bato, may panahon pa para mag-isip-isip, nang hindi masubo ang iyong mga naisubi.

‘Yun lang.

MAG-INGAT
SA SCAMMER

ATIN palang binibigyang babala ang publiko sa isang nagpapakilalang “Atty. Alyssa Tubban” na nambibiktima ng mga parokyano ng Bureau of Immigration (BI).

Madalas daw makapanggoyo ang Atty. Alyssa na ito at nanghihingi ng pera kapalit ang pag-aayos ng mga dokumento ng mga fo­reig­ner na nag-a-apply ng visa extension o student visa.

Sa katunayan, isang Indian national ang ka­ma­kailan lang ay naging biktima ng hunghang na immigration legal officer kuno at hiningian ng halagang P16,000 ang kaawa-awang Bom­bay at pagkatapos ay nai-blocked agad sa kanyang Facebook account!

With matching immigration ID pa raw si ate na may designation na Legal Officer.

WTF!

Fixer pala at hindi “officer!”

Dapat kasama rin sa gawing “officio” ng mga taga-Immigration intel divisions ang manghuli ng fixers at scammers sa BI bago pa man makapanggoyo muli ng kanyang bibikti­ma­hin!

Kawawa rin naman ang isang talagang “legit” na si Atty. Henry Tubban na sa BI Legal Divi­sion din nakatalaga.

Pati pangalan niya ay kinakaladkad at sinisira dahil sa isang pekeng Atty. Alyssa na ‘yan!

So, sa madlang pipol na makatatransaksyon ni Atty. Alyssa “Pekingese” Tubban na ‘yan, mangyaring i-report po agad sa Immigration main office bago pa kayo mabiktima!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …