IPINAGPALIBAN nang isang linggo, mula sa October 1-5 ay naging October 8-12 na, ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) ng mga sasabak sa mid-term elections sa 2019.
Mukhang naikamada na rin ng Kongreso ang iskedyul nila para sa mahaba-habang bakasyon.
Kung hindi tayo nagkakamali, nalalapit na naman ang bakasyon ng Kongreso at tiyempong ang balik nila ay sa 11 Oktubre na.
Kasunod niyan ay raratsada na sa kampanya.
Kunsabagay, kahit naman wala pang opisyal na kampanyahan ay marami nang umiikot-ikot na mga politiko ngayon.
‘Yung mga bagito, inilunsad na ang kanilang ‘testing the water.’
‘Yung mga beterano naman, kanya-kanya nang ‘gibaan’ para bago pa ang kampanyahan ay malaglag na ang kanilang mga kalaban.
Hindi na nakapagtataka ‘yan.
Bantad na tayo sa aktibidad ng mga politiko kapag eleksiyon.
Sila na yata ang pinaka-sweet, pinakamatulungin, pinakapilontropo at pinakamaaasahang tao kapag eleksiyon.
Madali pa silang lapitan kapag eleksiyon, may kasama pang pangako.
Pero pagkatapos ng eleksiyon, mahirap na silang hanapin.
Paalala lang mga suki, election fever na naman, ingat-ingat lang po.
Be wise!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap