Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Filing ng COC iniliban nang isang linggo

IPINAGPALIBAN nang isang linggo, mula sa October 1-5 ay naging October 8-12 na, ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) ng mga sasabak sa mid-term elections sa 2019.

Mukhang naikamada na rin ng Kongreso ang iskedyul nila para sa mahaba-habang bakasyon.

Kung hindi tayo nagkakamali, nalalapit na naman ang bakasyon ng Kongreso at tiyempong ang balik nila ay sa 11 Oktubre na.

Kasunod niyan ay raratsada na sa kampanya.

Kunsabagay, kahit naman wala pang opisyal na kampanyahan ay marami nang umiikot-ikot na mga politiko ngayon.

‘Yung mga bagito, inilunsad na ang kanilang ‘testing the water.’

‘Yung mga beterano naman, kanya-kanya nang ‘gibaan’ para bago pa ang kampanyahan ay malaglag na ang kanilang mga kalaban.

Hindi na nakapagtataka ‘yan.

Bantad na tayo sa aktibidad ng mga politiko kapag eleksiyon.

Sila na yata ang pinaka-sweet, pinakamatulungin, pinakapilontropo at pinakamaaasahang tao kapag eleksiyon.

Madali pa silang lapitan kapag eleksiyon, may kasama pang pangako.

Pero pagkatapos ng eleksiyon, mahirap na silang hanapin.

Paalala lang mga suki, election fever na naman,  ingat-ingat lang po.

Be wise!

34 ILLEGAL CHINESE
WORKERS NALAMBAT
NG BI INTEL DIVISION

Kamakailan, 34 Chinese national na nag­tatrabaho sa isang construction site malapit sa SM Mall of Asia ang hinuli ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) Intelligence Division.

Pawang  mga turista raw nang dumating sa bansa ang mga tsekwa at pawang may back­ground na construction workers.

Sino kaya ang sumalubong sa mga kamoteng ito sa airport? Hindi kaya si Rico mambo?

Hindi rin sila nag-apply ng kanilang Special Working Permit (SWP) galing sa ahensiya kaya talagang illegal ang kanilang paghahanapbuhay sa bansa.

Batay sa kasalukuyang batas, ang isang banyaga na nagnanais magtrabaho sa ating bansa ay kinakailangan munang kumuha ng kanilang Alien Employment Permit (AEP) sa Department of Labor and Employment (DOLE) kung mahigit anim na buwan silang magta­trabaho rito. Pagkatapos ay kailangan din nilang mag-apply ng 9(g) commercial visa sa BI bago sila maghanapbuhay.

Sa short term jobs naman o ‘yung may mga panandaliang trabaho na tatagal lang ng isa hanggang tatlong buwan ay puwede munang mag-apply ng SWP sa BI.

Ang hindi natin maintindihan ay kung bakit mas gusto ng mga employer nila na maka-me­nos sa pagbabayad sa gobyerno na kapag nabulilyaso naman ay mas malaki pa ang penalty (administrative fine) na kanilang babayaran!

Ayon kay BI Intelligence Chief Fortunato “Jun” Manahan, isinagawa ang raid noong nakaraang Martes ng umaga sa kanilang job site sa Macapagal Blvd Pasay city.

Actually, hindi lang diyan sa construction site na ‘yan maraming illegal na nagtatrabahong tsekwa.

Naglipana rin sila sa mga restaurant, grocery store, mining, malls, spa, casino at lalo ang mga illegal casino online na wala rin permit galing sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)!

Nagiging kalaban din sila ng mga kababayan nating Pinoy pagdating sa job placement!

Sana ay pag-ibayuhin pa ng BI Intelligence Division ang kanilang paghuli sa mga tila kabuteng establishments ng mga tsekwa at Koreano na nagsusulputan diyan sa kamay­nilaan!

LTFRB REGION 4 OFFICIAL
PINAIIMBESTIGAHAN
(ATTENTION: PACC)

KA JERRY, ‘yun opisyal po ng LTFRB Region 4 na may malaking building sa Leyte ay may kaso rin pala sa dati niyang assignment sa Region 8. Tapos nakasama pa sa Region 4 si alias Kris Pin na isang J.O. na maraming nakulimbat na pera sa mga UV express at RORO sa Palawan at Mindoro. Kawawa naman ang opisina nada­damay sa interes ng iilan. Bakit walang aksiyon sa itaas? Walang paki si Chairman Delgra. Sana mapaimbestigahan ni Tatay Digong ang opisyal na ito.

+63948670 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *