Thursday , December 26 2024

34 illegal Chinese workers nalambat ng BI Intel Division

KAMAKAILAN, 34 Chinese national na nag­tatrabaho sa isang construction site malapit sa SM Mall of Asia ang hinuli ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) Intelligence Division.

Pawang  mga turista raw nang dumating sa bansa ang mga tsekwa at pawang may back­ground na construction workers.

Sino kaya ang sumalubong sa mga kamoteng ito sa airport? Hindi kaya si Rico mambo?

Hindi rin sila nag-apply ng kanilang Special Working Permit (SWP) galing sa ahensiya kaya talagang illegal ang kanilang paghahanapbuhay sa bansa.

Batay sa kasalukuyang batas, ang isang banyaga na nagnanais magtrabaho sa ating bansa ay kinakailangan munang kumuha ng kanilang Alien Employment Permit (AEP) sa Department of Labor and Employment (DOLE) kung mahigit anim na buwan silang magta­trabaho rito. Pagkatapos ay kailangan din nilang mag-apply ng 9(g) commercial visa sa BI bago sila maghanapbuhay.

Sa short term jobs naman o ‘yung may mga panandaliang trabaho na tatagal lang ng isa hanggang tatlong buwan ay puwede munang mag-apply ng SWP sa BI.

Ang hindi natin maintindihan ay kung bakit mas gusto ng mga employer nila na maka-me­nos sa pagbabayad sa gobyerno na kapag nabulilyaso naman ay mas malaki pa ang penalty (administrative fine) na kanilang babayaran!

Ayon kay BI Intelligence Chief Fortunato “Jun” Manahan, isinagawa ang raid noong nakaraang Martes ng umaga sa kanilang job site sa Macapagal Blvd Pasay city.

Actually, hindi lang diyan sa construction site na ‘yan maraming illegal na nagtatrabahong tsekwa.

Naglipana rin sila sa mga restaurant, grocery store, mining, malls, spa, casino at lalo ang mga illegal casino online na wala rin permit galing sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)!

Nagiging kalaban din sila ng mga kababayan nating Pinoy pagdating sa job placement!

Sana ay pag-ibayuhin pa ng BI Intelligence Division ang kanilang paghuli sa mga tila kabuteng establishments ng mga tsekwa at Koreano na nagsusulputan diyan sa kamay­nilaan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *