Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Walwalan’ sa tabi ng De La Salle, Malate, Maynila sandamakmak!

ILANG mga magulang ang nagreklamo dahil sa sandamakmak na ‘walwalan’ o inuman diyan sa area ng mga kilalang eskuwelahan sa Fidel Reyes St., sa Malate, Maynila.

Kapag sinabi po ninyong Fidel Reyes St., marami ritong condo o dormitory na ang mga estudyante ay nag-aaral sa De La Salle University, DLSU St. Benilde, at St. Scholastica College.

‘Yang tatlong paaralan na ‘yan ay pawang pinatatakbo at pinamu­munuan ng Benedictine brothers and sisters.

Diyan po piniling magpaaral ng mga magulang para matiyak na ang kanilang mga anak ay nasa mabuting mga kamay.

Walang duda at walang kuwestiyon ang pangangalaga at paghubog ng tatlong unibersidad sa kanilang mga estudyante. Taon-taon ay nakapagpo-produce sila ng mga board passers and topnotchers sa iba’t ibang kurso at larangan ng edukasyon at siyensiya.

Pero ang idinaraing ng mga magulang, ang mga lugar kung saan dumaraan ang kanilang mga anak malapit sa mga condo at dormitory nila ay kabi-kabila ang wal­walan, gimik bars o inuman.

Sabi nga, mapagpasya ang internal na salik sa personalidad ng isang tao, pero alam naman na­tin na ibang mag-isip ngayon ang mga mil­lennials. Hindi sila kayang ‘disiplinahin’ ng salitang bawal.

Ang katuwiran nila, kung bawal bakit pinapa­yagan ng pamahalaan ang pagtatayo at pagbu­bukas ng mga ‘walwalan’ malapit sa kanilang mga unibersidad?!

Kaya kung nag-i-exist nga naman, ibig sabihin hindi bawal?

Kaya siguro namamayagpag ang Local Cavern, The Barn, Downtown, V-Bar, One Stop, Taft Spot, at Double Down Wings diyan sa area ng Fidel Reyes St., na ilang metro lamang ang layo sa De La Salle na pinatatakbo at pinamamahalaan ng Catholic institutions.

Bilib nga tayo sa tindi ng lakas ng loob ng nasabing mga ‘walwalan,’ parang beerhouse na may happy hour, 3:00 pm o 4:00 pm bukas na, at inaabangan ang mga estudyanteng menor-de-edad galing sa mga unibersidad para pumasok sa kanila.

By the way, may permit ba sa city hall ang mga ‘walwalang’ ito para magpainom ng mga inuming may alcohol?!

E sino nga bang magulang ang mapapanatag kung ganyan ang kapaligiran ng kanilang mga anak?!

Hindi na ba uso ang ‘zoning’ sa Fidel Reyes St., sa Maynila?!

Bulag, pipi at bingi ba ang mga barangay officials at Malate police community precinct (PCP) sa sandamakmak at kabi-kabilang walwa­lan!?

Patuloy na lang bang magrereklamo ang mga magulang pero walang makikinig sa kanilang mga hinaing?!

Lalo na ‘yung mga nakatira riyan sa green residences!

Hindi na tayo magtataka kung mabawasan ang enrolees ng tatlong kolehiyo at unibersidad na nasa area na ‘yan kung patuloy na mama­yagpag ang mga ‘walwalan’ sa area na ‘yan…

Paging Malate police station commander, Supt. Roberto Domingo, Sir!

SAKLAAN
SA MAYNILA
IPINA-RAID
NI MAYOR ERAP
SA NBI

MUKHANG napundi na rin talaga si Mayor Erap Estrada kaya hiniling pa niya sa National Bureau of Investigation (NBI) na salakayin ang mga sugal-lupa sa Maynila lalo na ang nama­mayagpag na mga saklaan.

Nagtaka naman tayo kung bakit hindi sa Manila Police District (MPD) ipina-raid ni Mayor ang mga saklaan na ‘yan.

Sa dami ng mga inutil ‘este intel ng MPD hindi man lang nila natutunugan ‘yang mga saklaan na ‘yan sa Maynila?!

Kinailangan pang mag-request ni Mayor Erap sa NBI para tuluyang mabuyangyang at mahuli ang mga saklaan na ‘yan!

Hindi ba’t malaking sampal sa MPD ‘yan?!

Ano ba ang nangyayari sa  mga inutil ‘este intel ninyo, MPD District Director, C/Supt. Rolan­do Anduyan?!

Baka naman pagpapatayo ng bagong bahay ang inaatupag ng ilang intel boy ng MPD?!

Mataas ba talaga ang intelligence ng mga ‘yan?!

Mukhang mas mahusay pa ang intelligence group ni Mayor Erap kaysa inutil ‘este intel ninyo Gen. Anduyan?!

Ano po kaya sa palagay ninyo?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *