KUNG sabay na tatakbo sa Senado sina Jose Victor “JV” G. Ejercito at Jinggoy P. (Estrada) Ejercito, mukhang tatagilid ang ‘bangka’ ng anak ni Ms. Guia Gomez.
Aba, hanggang ngayon, malakas pa rin ang karisma ni Jinggoy sa kanilang mga botante.
Sabi nga sa Senado ‘kyut’ daw si Jinggoy…kyut magpakyut.
Si JV daw ay hindi puwedeng magpakyut, kasi mapagkamalan siyang bondying.
Anyway, hindi naman physical appearance lang ang pinag-uusapan dito, dapat witty and talented rin magsalita ang mga politiko.
At mukhang nakalalamang si Jinggoy sa aspektong ‘yan.
Ang siste, nagkasundo na yata sina Madam Guia at ang misis ni Jinggoy na ang anak na si Vice Mayor Janella Ejercito ang magmamana ng mayoralty seat sa San Juan.
Meaning, hindi sa San Juan tatakbo si JV. Mag-congressman kaya ulit si JV?! Parang hindi naman… dahil mukhang si Ma’m Guia ang tatakbo sa congressional seat ng San Juan.
Kaya kung wala nang ibang mapupuntahan si JV, wala na siyang magagawa kundi tapatan ang lakas ng karisma ni Jinggoy.
‘Yun lang, tagilid na tagilid siya kay Jinggoy.
Kumbaga sa boksing walang kalatoy-latoy ang tapatan!
NAWAWALA
SI KOBE PARAS?
KUNG hindi tayo nagkakamali, binubuno ngayon ni Kobe ang kanyang one-year residency sa UP Fighting Maroons nang sa gayon ay makalahok sa iba’t ibang labanan ng liga ng basketball teams sa buong mundo.
Pero mukhang pinoproblema siya ng kanyang team mates… kasi nawawala si Kobe?!
Wattafak! Nawawala si Kobe?! Nasaan si Kobe?!
Kailan ba siya makikipaglaro at eensayo sa team mates niya sa UP Diliman?!
Totoo bang habol lang ni Kobe na magkaroon ng residency kahit hindi naman siya nakiki-mingle sa kanyang supposedly team mates?
Kumbaga, nagbibilang lang ng araw at panahon si Kobe matapos ang kanyang residency, after that siya na ang masusunod kung saan siya papasok.
Sabi nga: “It pays to be loyal.”
Komporme ka ba riyan, Kobe?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap