Monday , November 25 2024
Klaudia Koronel

Klaudia, ipinagpalit ng asawa sa pera

NASA Pilipinas muli ang dating sexy actress na si Klaudia Koronel.

Dumating siya sa bansa noong August 5 para asikasuhin ang pagbebenta ng isa sa properties niya (condo unit sa The Fort) dahil nakabase na siya sa Los Angeles, California sa Amerika at nagtatrabaho bilang nursing assistant sa isang ospital, babalik siya sa US sa October 5.

Resident na ako roon, hindi ko na naasikaso ‘yung mga property ko rito.”

Itinira naman niya ang iba pang properties dito dahil nandito naman ang kanyang pamilya, tulad ng kanyang ina at anak.

Hindi totoo ang balitang naghihirap na siya.

“Hindi, hindi naman totoo ‘yun.”

At sa panayam namin kay Klaudia sa Music 21 Plaza sa Timog Avenue, Quezon City ay nagbahagi siya ng mga malulungkot na kaganapan sa buhay niya simula noong magpakasal siya sa isang Chinese/American businessman noong August 28, 2009.

Divorced na si Klaudia.

I think alam n’yo naman ‘yung sitwasyon noong ikinasal ako na pinapipirma ako ng pre-nuptial agreement bago niyako pakasalan.”

Hindi pumayag si Klaudia na pumirma.

Naniwala ako na mahal niya ako, na nag-promise siya na forever iingatan niya ako, mamahalin niya ako.

“Pero dahil nga hindi ako pumirma roon sa pre-nuptial agreement, dahil bilang Pilipina, siyempre  hindi ako naniniwala sa ganoon.

“Thirty years old na ako noong nag-asawa ako, kasi gusto kong magkaroon ng asawa na responsable na aalagaan ako. Masyado akong  mapili sa lalaking mamahalin ko.”

Kahit may mga nagsabi sa kanya na hindi karapat-dapat ang napili niya ay hindi siya nakinig sa mga ito.

Kasi mahal ko eh,” pagtukoy ni Klaudia sa dati niyang mister.

Ipinaglaban ko. Kahit sinabihan ako na, ‘Huwag yan, dapat kapananampalataya mo,’ ang sagot ko is ‘mahal ko.’ Inuna ko ang pagmamahal ko sa taong… iniwan ko kayo, iniwan ko ‘yung career ko, iniwan ko ang family, iniwan  ko ‘yung anak ko,  dahil sa pagmamahal ko sa lalaki.”

Miyembro ng Iglesia Ni Cristo si Klaudia o Milfe Dacula sa tunay na buhay.

May anak si Klaudia sa isa niyang pakikipagrelasyon bago niya nakilala ang Chinese/American businessman.

HINDI PUMIRMA
NG PRE-NUPTIAL

PERO dahil pala sa hindi ko pagpirma ng pre-nuptial, naging lungkot pala sa sarili niya ‘yun. Bakit ko alam, kasi kahit nagbabakasyon kami, tulala siya. Hindi siya masaya tapos lagi niyang sinasabi, ‘This is not enough, this is not enough.’

“Parang, mayabang man sabihin, ang laki-laki ng bahay namin, tatlo ang kotse namin, may business kami, marami kaming properties, but lagi  niyang sinasabi, ‘This is not enough.’

“Parang hindi pa rin siya masaya. Tapos kaunting problema lang, ‘I will divorce you!’

“Kaunting ano lang, tinatakot niya ako.”

Walang third party na namagitan sa kanilang paghihiwalay.

“Mahal niya ako, mahal ko rin siya.

Alam mo kung bakit ko alam na mahal niya ako? Kasi bago niya ako idinivorce, may sulat siya sa akin, nakalagay, ‘I still love you, mahal kita but I have to divorce you.’

“Alam ko naman sa simula pa lang, sa pre-nuptial, sinabi niya sa akin, ‘Hanggang three years lang ‘yung marriage natin.’

“Alam ko ‘yun. Sa Amerika kasi ‘pag five years na ang marriage ninyo makukuha mo ‘yung kayamanan ng asawa mo, half  ng lahat ng kayamanan makukuha mo.

“Nakita ko na lang ‘yun noong tumagal na, may sinusundan pala siyang legal na ano, at nakita ko naman ‘yun noon pa.

“Hindi na ako umatras noon kasi naka-set na akong ikasal.

“At noong ikasal ako hindi ako masaya.”

Sa divorce papers ay pumirma na siya dahil kung hindi ay wala siyang makukuha kahit ano.

“Kung hindi ako nag-sign talo ako, wala akong makukuha kahit isa kapag hindi ako nag-sign.”

Nagpaalam din siya sa INC dahil kung hindi siya nagpaalam ay matatanggal siya.

DUMAAN
SA MATINDING
DEPRESSION

UMAMIN si Klaudia na dumaan siya sa depression.

Three years pa lang ako noon sa Amerika, feeling ko  para akong baby na, ‘Paano kaya ako mabuhuhay mag-isa?’

“Dumaan ako sa ganoon.

And kaya nagpaalam ako [sa INC] na ito ‘yung sitwasyon ko, idi-divorce ako na walang dahilan. Ang alam ko lang na nakikita ko ‘yung ayaw lang  niya i-share ang kayamanan niya.”

 

TANGKANG
PAGPAPAKAMATAY
PARA MAAWA
ANG ASAWA

UMAMIN din si Klaudia na nagtangka siyang magpakamatay.

Uminom siya ng gamot na ginagamit sa mercy killing o Euthanasia.

Parang ayoko ng mabuhay, kasi ‘pag ininom mo ‘yun, unti-unti liliit ang puso mo. 

“Unti-unti, mamamatay ka.

“Hindi lang ‘yun, nilalaslas ko rin ang sarili ko, para makita ng asawa ko, ‘Maawa ka sa akin!’

“Tapos niyayakap naman niya ako, sasabihin niya, ‘Why do you have to do that? Why do you have to be depressed? Nandito pa naman ako. This is just a piece of paper’,” sabi niya.

“Kasi nga ayokong makipaghiwalay, eh paper nga lang daw ‘yun.”

 

NAKIPAG-DIVORCE
DAHIL SA PERA

“ALAM mo kung bakit alam ko dahil lang sa kayamanan? Kasi divorced na kami pero magkasama pa rin kami sa bahay. ‘Di ba? Bakit hindi niya ako pinaalis? Bakit hindi niya ako pinalayas?

“‘Di ba? Kung mayroon na siyang ibang babae dapat sana, ‘Umalis ka na!’

Dinadala pa rin niya ako kahit sa ibang bansa.

“Kaso lang bilang babae naman, idinivorce mo na ako, bakit mo pa ako gagamitin?

“So umiwas na lang ako, naghahanap na ako ng ibang room.

“Respeto na lang sa sarili ko, kasi sinira mo na ‘yung marriage natin tapos dito pa rin tayo sa isang bubong?

“Hanggang sa hindi pa rin ako pinapaalisang sakit lang na tinitingnan mo siya may kausap na siyang ibang babae. Masakit. Nagde-date na siya, nasa bahay pa rin ako naghihintay pa rin ako sa kanya.

“Alam mo kung paano lang kami nahiwalay? Nakialam na ‘yung nanay niya. Sabi ng nanay niya, ‘Divorced na kayo bakit pa kayo magkasama sa isangbubong?’

Doon lang siya natarantang hanapan ako ng ibang lugar kasi darating na ‘yung nanay niya.”

 

NAABUSO
VERBALLY

TAONG 2014 sila naghiwalay.

Nilinaw ni Klaudia, never siyang naabuso physically ng dati niyang mister.

Ano lang verbal abuse, ‘yung panda-down, minamaliit ‘yung pagkatao mo.”

Dahil hindi nga siya pumirma sa pre-nup ay nakakuha naman siya ng ilang properties mula sa rati niyang mister.

“Buti na lang hindi ako pumirma! Kasi ang sinabi lang niya sa akin, ang inaano lang niya sa akin, ‘Pag ang marriage natin’… nakita ko na kasi ‘yung future ko, hindi ko alam bakit kasi nagpatuloy pa ako.

“One year ito lang makukuha mo, two years ito lang makukuha mo, three years ito lang makukuha mo.”

May ganoong kondisyon ang dati niyang asawa.

Buti nga hindi ako pumirma kasi ang matatanggap ko is pera lang.

“Properties at pera, alimony. Kung pumirma ako, alimony lang.”

Ibinenta niya ang ilan nilang conjugal properties na pinaghatian nila ang napagbentahan.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Check Also

Julia Barretto Vilma Santos Judy Ann Santos

Julia ‘di tamang ikompara kina Vilma at Juday

HATAWANni Ed de Leon MAY mga pra lala na nagsasabing si Julia Barretto raw ang makakalaban nina Vilma Santos at Judy …

Robbie Jaworski Kathryn Bernardo

Robbie-Kathryn tandem maging hit kaya?

HATAWANni Ed de Leon NAAWA kami sa mga baguhang matinee idols ng ABS-CBN ngayon. Ano na ang …

Sunshine Cruz

Sunshine tinantanan na ng ‘di magandang tsismis

HATAWANni Ed de Leon SALAMAT naman at natapos na ang hindi magandang tsismis tungkol kay Sunshine …

Lala Sotto

Negros Occidental katuwang na ng MTRCB tungo sa Responsableng Panonood

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MATAGUMPAY na idinaos ng Movie and Television Review and Classification …

Arjo Atayde Maine Mendoza Topakk

Arjo itotodo ang lakas sa Topakk

RATED Rni Rommel Gonzales KUNG abalang-abala si Arjo Atayde bilang isang mahusay na aktor at masipag na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *