Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

CoC filing sa Oktubre inaabang-abangan na

TATLONG linggo mula ngayon, maghahain na ng kani-kaniyang certificate of candidacy (COC) ang mga politikong kakandidato mula konsehal hanggang bise at alkalde ng bayan o siyudad; bokal hanggang gobernador at bise gob; at mga kongresman hanggang   senador.

Kung hindi tayo nagkakamali, ang paghahain ng COC ng mga Senador ay magaganap mula 1-5 Oktubre 2018, habang ang mga kandidatong lokal kabilang ang mga kinatawan ng bawat distrito ay sa Enero 2019.

At ‘yan ang inaabangan ng maraming mamamayan.

Pinakaaabangan ang eleksiyon sa 2019 at ang iba’t ibang political spectrum dahil krusyal ito para sa 2022 national elections.

Hindi natapos ang balyahan sa pagpapatalsik kay dating speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez sa Kamara, nagpapatuloy ito ngayon sa hanay ng mga ‘nakadikit’ kay Pangulong Digong Du­terte.

Kaya nakikita ngayon ng Liberal Party na marupok ang ‘baluarte’ ni Tatay Digs dahil ang balyahan ay nagaganap na mismo sa loob ng kanilang hanay.

Nasaan ang ‘Kilusang Pagbabago’ na noon ay maugong na inoorganisa ng mga sumuporta kay Digong para konsolidahin ang kanilang buong puwersa?!

Para itong ‘batingaw’ na malakas sa una, pero kusang nawala ang ‘tunog’ nang matapos ang alingawngaw.

Wala na tayong nabalitaan sa Kilusang Pagbabago —  ang kilusang masa na sumuporta kay Digong noong 2016 elections.

Mas matunog na ngayon ang Hugpong ng Pagbabago na pinangungunahan ng anak ng Pangulo na si Mayor Sarah Duterte-Carpio.

Pero ang Hugpong ng Pagbabago ay koalisyon ng mga politiko at hindi organisasyon ng masang Filipino.

Kaya huwag na tayong magtaka kung ‘muling’ mabuhay ang Kilusang Pagbabago dahil kaila­ngan na naman sila ng mga politiko.

Abangan din ang pagdami ng bloggers, dahil tiyak na kailangan din sila ng mga politikong kandidato para sa kanilang propaganda.

Pahusayan na naman ng paggamit sa ‘media,’ kabilang ang social media.

Ang sabi ng ilang eko-ekonomistahan, makatutulong daw ang paparating na eleksiyon para maibsan ang epekto ng ‘inflation’ sa kabuhayan ng mga mamamayan.

Pero ang kailangan daw, gumastos ang mga politiko para sumigla ang merkado. Ibig sabihin, huwag nilang itago sa kanilang mga lukbutan ang mga ‘naisubi’ nila  sa iba’t ibang aktibidad habang nanunungkulan. Lalo na ‘yung mga ‘naisubi’ nila mula sa ‘donasyon’ ng kanilang mga ‘baka.’

Kaya kung may nagsasabing ‘artipisyal ang implasyon’ malamang ‘artipisyal din ang maga­ganap na pagsigla ng merkado dahil sa eleksiyon.’

Pagkatapos ng eleksiyon, hindi natin alam kung muli pang sisigla ang merkado.

Baka muli na naman tayong maghigpit ng sinturon dahil tiyak na babawi ang mga mananalong politiko — sa laki ng ginastos nila sa eleksiyon.

At muli, babawiin nila ‘yan sa pondong dapat ay nakalaan para sa bayan.

Let us all welcome the 2019 mid-term elections…

May rason kaya para sagutin natin ito ng… “Cheers!?”

Abangan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *