Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Waiter nangholdap sa milk tea shop

NADAKIP ang isang waiter makaraan holdapin ang isang milk tea shop sa Sampaloc, Maynila, nitong Miyerkoles.
Ayon sa suspek bago nangholdap ay nagsimba muna siya sa Quiapo Church at humingi ng tawad sa kaniyang gaga-wing kasalanan.
“Sabi ko, Lord kayo na po bahala sa akin kasi wala na po ako malalapitan,” aniya.
Gamit ang laruang baril ng anak, pinasok ng suspek ang isang milk tea shop at tinutukan ang cashier. Tinangay niya ang higit P33,000 at umalis agad sa establisi-miyento.
Agad nakahingi ng tulong ang cashier na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek at nabawi ang perang tinangay.
Depensa ng suspek, nagawa niya ito dahil sa kahirapan, at maysakit ang kaniyang 4-anyos anak. Ayon kay Supt. Andrew Aguirre, station commander ng Manila Police District (MPD) Station 4, wala pang criminal record ang suspek.
“Wala pa siyang kaso. Talagang baguhan. May pangangailangan sa buhay kaya nagawa iyong panghoholdap,” aniya. Taga-Caloocan ang suspek na nagtatrabaho bilang part-time waiter. Mahaharap siya sa kasong robbery.
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …